Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-33 2013

(GMT+08:00) 2013-09-10 17:32:34       CRI

 

Hanggang ngayong araw, isa at kalahating buwan na ang little prince ng Great Britain, na si George Amani Alexander Mcqueen Louis Vitton, hee hee, biro lang, prince George Alexander Louis. Sa halip na kumuha ng yaya, humingi si Princess Kate ng tulong sa kanyang nanay at inanyayahan din ni Prince Willam ang kanyang mga biyenan na pangsamantalang tumira sa Kensington Palace para matingnan nang mabuti si prince George. Isinilang sa isa sa mga pinakamaimpluwensiyang royal families sa buong daigdig, bukod sa pagkakaroon ng mga kilalang mga magulang, ng lahat ng conveniences, at ng ilang milyong tagahanga, magmamana pa ang little prince ng mahigit 1 bilyong dolyares na yaman mula sa kanyang grand grand mother-the Queen Elizabeth II, Grandfather Prince Charles at tatay, Prince Willam. Pero, sa bagong episode ng Top 10 Series, sumunod sa inyong happiest DJ na si Sissi at titingan natin ang sampung pinakamayamang hari sa buong daigdig. Kumpara sa kanila, totoong mahirap kahit si Queen Elizabeth.

Ang ika-10 pinakamayamang hari sa listahan natin ay si Karim al Hussayni o Aga Khan IV, hari ng Nizari Ismailism. Umabot sa 800 milyong dolyares ang net worth niya at bilang isang monarch, bagama't walang anumang teritoryong heograpikal, siya'y nag-iisang buhay na diyos sa puso ng Shia Muslims na umaabot sa mga 10 prosyento ng kabuuang populasyon ng Muslims sa buong daigdig at nag-mamay-ari ng maraming real estates, stocks at even isang pribadong yachat club. 

Tapos, may isang bilyong net worth, ang ika-9 na pinakamayang hari ay Si Prince Albert II ng Monaco. Bilang puno ng angkang Grimaldi, sinubok ni Albert II na itatag ang bagong rehiyong administratibo pandagat para pasiglahin ang kanyang maliliit na prinsipalidad kung saan mas maliit kumpara sa Central Park ng New York.

At bago magbitiw sa tungkulin nitong nagdaang Hunyo ng taong ito, bilang Emir, na nangangahulugang tagapamahala sa wikang Arabe, ng Qatar, umabot sa 2.4 bilyon ang net worth ni Hamad bin Khalifa al Thani at sa kanyang pamamahala, mabilis na umunlad ang Qatar: nabili ang Harrods department store ng Britanya, nag-bid para sa 2022 World Cup at sa pagpapahinga, gusto niyang manatili sa kanyang pinakamalaking yacht sa buong daigdig.

Luminsan ng Qatar, punta tayo sa Aprika at titingan ang ika-6 pinakamayamang hari na si Mohammed VI, hari ng Morocco. Ang yaman ng pamilya niya ay pangunahing nasa pamumuhunan sa mina ng phosphate, at bilang isang pangunahing additives, ito ay malawakang ginagamit sa industriya ng pagkain. Nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng pagtaas ng halaga ng phosphate, nadagdagan naman ang yaman ng pamilya ni Mohammed VI na umabot sa 2.5 bilyong dolyares.

Si Hans Adam II ay kasalukuyang Prince ng Liechtenstein. Isang bansang Katoliko rin, mayroon 36 libong mamamayan lamang ang Liechtenstein, pero, ipinoprodyus nito ang false teeth na sapat sa paggamit ng kalahating populasyon ng buong daigdig. Umabot sa 4 bilyong dolyares ang net worth si Han Adam II.

Bagama't hindi tinapos ang negatibong apekto ng 2008 financial crisis sa Dubai, nananatiling maluho ang pamumuhay ng ika-5 pinakamayamang hari sa daigdig na si Mohammed bin Rashid al Maktoum, Emir Sheik ng Dubai. Kontrolado ng pamilya niya ang halos lahat ng pangunahing industriya at kompanya sa Dubai tulad ng real estate, Petroleum, telecom at umabot naman sa 4 bilyong dolyares ang net worth ni Mohammed bin Rashid.

Tapos, isa pang mamamayang Arabe, ang 88 taong gulang na si Abdullah bin Abdulaziz, hari ng Saudi Arabia, pagkaraang makuha ang scepter mula sa kanyang kapatid noong siya ay 80 taong gulang sa taong 2005, nakuha rin niya ang kapangyarihan ng pamamahala sa mga holy mosque sa Mecca and Medina, umabot na sa 18 bilyon ang kanyang net worth at nananatiling lumalaki.

Gusto kong sabihin, bukod sa mga Arabe, mas mayaman ang susunod na dalawang haring Timog Asyano. Sinu-sino ang nasa isip ninyo? Sila ay ang Hassanal Bolkiah, Sultan ng Brunei at Bhumibol Adulyadej, hari ng Thailand na umabot sa 20 at 30 milyong dolyares ang kanilang net worth. Pero, totoong magkakaiba ang kagawaian ng dalawang hari, nananatiling generous si Sultan ng Brunei sa paggugol ng pera at pabiritong makolekta ang mga malubhong racing cars, samantala, nananatiling matipid ang haring Thai at sa matagumpay na pangangasiwa ng espesyal na asset administration commssion niya, nananatiling lumalaki kasunod ng pagkalipas ng panahon.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-32 2013 2013-09-03 15:32:23
v Pop China Ika-31 2013 2013-08-26 17:10:25
v Pop China Ika-30 2013 2013-08-20 17:49:20
v Pop China Ika-29 2013 2013-08-12 17:32:33
v Pop China Ika-28 2013 2013-08-06 15:06:45
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>