|
||||||||
|
||
Noong isang linggo, pormal na inilabas ng American Music Awards ang listahan ng mga nominasyon. Bilang isang wind vane ng sirkulong musikal ng Amerika tulad ng Grammy at Billboard. ang lahat ng awards ay ibinoto ng mga mamimili, kaya, ang lahat ng winners nito ay lumikha ng malaking halagang komersyal. At ang award ng best new artist of the year ay tinaguriang isang pamantayan sa kakayahan ng isang bagong singer. Ang naririnig ninyo ay ang kantang Love Me Hard na iniwit ni Ariana Grande, winner ng 2013 best new artist of year, pagkaraan nito, magkakasamang malalaman natin ang mga kandidato para sa best new artist of 2014 at titingnan kung sino ang most promising star sa mga music fans.
Maramin sa mga winner ng American Music Awards ay hindi galing sa Estados Unidos, pero, natanggap nila ang mainit na suporta sa Amerika, tulad ng kanonominate na bandang Britanikong Bastille. Ang kanilang unang studio album na pinamagatang "BAD BLOOD", noong unang mapakinggan sa taong ito, natamo ang pagkilala ng gold selling album at naging best selling album sa Britanya sa aspekto ng pop music at ang kanilang pangunahing kantang "Pompii" ay pinatugtog nang mahigit 26 milyong beses kaya naging first place sa stream media ng Britanya sa taong 2013.
Ang 5 Seconds of Summer – ay kasalukuyang pinakapopular na boy band na binubo ng apat na lalaking galing sa Australya. Ang kanilang debut album ay naging Best Selling Album ayon sa Billboard. At hanggang sa kasalukuyan, nananatiling nasa ika-4 na puwesto ito sa Best Selling Almums para sa taong 2014. Ang naririnig ninyo ang kanilang hottest hit na "Long Way Home".
Kung babanggitin ang mga bagong singer ng taong 2014, hindi dapat malimutan ang winner ng BBC Voice of 2013 na si Sam Smith. Sa tulong ng isang kantang La la la na ipinalabas noong katapusan ng taong 2013, natandaan ng maraming music fans ang medyo payat, hindi guwapo, pero, halos perpektong kumanta ng soul music na puwedeng makipagsabayan sa isang black singer. Noong unang ipalabas ang kaniyang kanta ay nahalinhan nito ang sikat na grupong Daft Punk, at naging winner ng UK Chart. Ang bagong kanta niyang "Stay With Me" ay kasalukuyang third place sa Billboard.
Nitong 9 na linggong nakalipas, nananatiling No. 1 ang kantang Fancy na mula kay Iggy Azalea - (feat. Charli Xcx) sa billboard, bilang kauna-unahang white hip-hopper na dalawang beses na nagkampeon sa billboard, noong 16 taong gulang, kasama ng passion sa hip-hop, lumisan siya ng Australya at pumuta siya mismo sa Amerika. Sa tulong ng kilalang rapper na si -T.I., noong Abril ng taong ito, matagumpay na ipinalabas ni Iggy ang kanyang kauna-unahang album na pinamagtang "The New Classic".
Ang bagong artista na natanggap ang mainit na pagtanggap sa taong 2014 ay kinabibilangan ng isang mataba, pero, confident na babae na pinangalanang Meghan Trainor. Isinilang noong taong 1993, sa kanyang kuna-unahang single na "All About That Bass", inspirasyon ni Meghan ang kanyang bodyshape, problemang nananatiling gumugulo sa kanya. Ang lovely lyrics, dagdagan pa ng lively melody kaya naging popular na popular sa pagitan ng mga matabang babae ang kanyang kanta.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |