|
||||||||
|
||
Kamakailan, ipinatalastas ni Zayn Malik, miyembro ng kasalukuyang popular na popular boy group na "One Direction" na aalis na siya sa groupo, dahil gusto niyang lumayo sa limelight at magkaroon ng mas maraming pribadong oras at mamuhay ng normal. Bagama't hindi nagsabi ng "bye bye" kay Zayn, nagpahayag ng taos-pusong pagbati ang iba pang miyembro ng "One Direction" at nagpatuloy sa kanilang recording ng bagong album na nakatakdang ipalabas sa katapusan ng taong ito.
Noong taong 2010, napanood sina Louis Tomlinson、Harry Styles、Liam Payne、Zayn Malik at Niall Horan sa stage ng talent show na "X-Factor" ng Britanya, sa simula, lumahok sila sa programa bilang solo singers, pero, pagkaraang pawang hindi pumasok sa final, sa mungkahi ni Judge Nicole Sherzinger, ipinasiya ng limang batang lalaki na buuin ang isang groupong pinangalanang "One Direction" at inirehistro sa paglaban ng mga Band o Duo. Parang miracle, nakatawag ng malaking pansin sila at tinalo ang maraming malakas na competitor at naging third place sa Final Competition.
As expected – gaya ng inaasahan ng mga sumubaybay sa grupo, noong ika-11 ng Setymbre ng taong 2010, pormal na ni launch ng One Direction ang kanilang kauna-unahang single na What Makes U Beautiful na nakabenta ng mahigit 150 libo sa unang linggo ng paglabas at nanatili sa First Place ng UK Singles Chart at Irish Singles Chart nang apat na linggo. At tatlong linggo ang nagdaan, inilabas nila ang kauna-unahang album na "Up All Night" na naging winner sa Billboard Awards sa Amerika. At noong taong 2012, nagtanghal sila sa stage ng closing ceremony ng London Olympic Games, at inawit ang kantang "What Makes U Beautiful", at kumalat ang kanilang kabighanian sa buong daigdig.
Bagama't hanggang sa kasalukuyan, hindi pa sigurado kung anong landas ang tatahakin ng One Direction at kung tatagal ba ang pagsasama nila pagkaraang lumisan si Zayn Malik, pero, kahit wala na si Zayn, sa ala-ala ko mananatiling popular ang 1D.
Ngayon, kung napanood ang passionate na sayaw at napakinggan ang sexy voice ni Justin Timberlake, hindi ko alam kung gaano karami sa inyo ang natatandaan pa siya .. minsan siyang naging boys' group na NSYNC. Sa apat na taon magkakasama ang NSync, nakabenta nang mahigit 50 milyong kopya ng kanilang album sa buong daigdig, kahit ngayon, ang record na ito na nilikha ng NSYNC ay isang stunning number na hindi kayang lampasan ng ibang singer.
Mayroong isa pang group na hindi dapat mamiss pagdating sa boy groups. Hanggang sa kasalukuyan, sa mga canteen o shopping mall ng Tsina, maririnig pa rin ang clssic hits ng Backstreet Boys. Hindi tulad ng NSYNC na may namumukod ng miyembro tulad ni Justin, pantay-pantay ang popularidad ng miyembro ng Backstreet Boys at hanggang sa kasalukuyan, nananatiling maganda ang pag-uugnayan ng limang big brothers, noong Mayo ng taong 2013, idinaos pa nila ang music tour sa Asya at sa ika-20 anibersaryo ng grupo, ipinalabas ang commemoration album na "In a World Like This".
Noong taong 2012, idinaos ng West Life ang The Greatest Hits Farewell China tour sa Beijng Shanghai, Shenzhen, Wuhan, Chengdu, at Guangzhou, at sa pag-awit ng lahat ng winning singles at mga classic hits, nagpahayag sila ng pasasalamat sa 14 na taong suporta ng mga fans sa kanila, pagkaran nito, pormal na nag-disband ang West Life. Sabi nilang gustong nilang magpahinga para simulan ang bagong adventure. At sa pinakahuling listahan ng mga band o group na nakakuha ng pinakaraming winning single sa UK Chart, ang West Life ay nasa ika-3 place na sinusundan ng Beatles at Cliff Richard.
Last but not least, punta tayo sa Australya at bumalik-tanaw sa glory days ng duo na nakapagbigay ng maraming magandang ala-ala sa atin. Sila ang "Savage Garden" na binubuo nina Darren Hayes at Daniel Jones. Bagama't hindi maiiwasan at mahirap para sa two-member group ang manatiling buo, nagkasama ang Savage Garden ng halos 5 taon, nilikha nila ang limang winning singles sa buong daigdig at maraming record sa sirkulong musikal. Inilabas ng Savage Garden ang dalawang album lamang, pero hanggang sa kasalukuyan, lumampas sa 230 milyong kopya ang benta ng mga ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |