Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-14 2015

(GMT+08:00) 2015-04-30 15:51:47       CRI

Kamakailan, mayroon isang napakapopular na pelikula, kung hindi napanood ito, baka hindi niya masusundan ang sinasabi ng mga tao tungkol dito. Fast & Furious 7 ang tinutukoy ko mga dear listeners na ginampanan nina Paul Walker, Vin Diesel at iba pa. Noong unang ipinalabas ito sa Tsina, isang araw lamang, lumampas na sa 400 milyong yuan RMB o mga 67 milyong dolyares ang box office sales nito na naging pinakamalaking halaga na naabot ng isang pelikulang dayuhan sa mainland Tsina. Pero, ano ang sikreto ng tagumpay nito? Sa saliw ng mga passionate na soundtrack nito, alamin natin ang mga sagot.

Actually, hindi lamang sa Tsina kundi sa buong daigdig, natanggap ang mainit na pagtanggap ng Fast & Furious, nitong 12 araw na nakalipas, lumampas sa 5 bilyong yuan RMB o 833 milyong dolyares ang box office sales nito kaya nanguna sa The North American box office charts. At kung tatanungin ang sikreto ng tagumpay nito… sa palagay ko, unang una, ay malaking bilang ng fans nito. Mula noong taong 2001 hanggang sa 2015, sa pamamagitan ng 7 installments, nakuha ng Fast & Furious ang maraming matapat na fans.

Bukod ng malaking bilang ng mga fans, dapat kilalanin nating mabuti ang producers ng pelikula. Bawat release ng Fast & Furious, pinapanatili nila ang 1/3 hanggang 1/2 na scenes ng highly difficult na car racing. At sa 7th film, umabot sa tugatog ng excitement ang ipinakita ng pelikula, nag-airdrop ng kotse, tumakbo ang mga motor sa Dubai Tower… mahigit 230 ang nasirang kotse sa running and chasing, crashing and drifting, at madaling tumaas ang adrenaline ng mga manonood sa sinehan, narinig kong hindi iisang tao na sinabing sa daang pauwi, wala silang intensyong manehohin nang ganoon kabilis ang kani-kanilang kotse. The question remains: Is it humanly possible to drive that way? O talaga lang yan ang Fast and Furious way.

At isa pang sikreto ng tagumpay ng Fast & Furious, ay, ang bawat pelikulang ipinapalabas ay mayroon bagong lugar na pinagdarausan ng istorya-sa unang episode, Los Angeles, second episode, Miami, third episode, Tokyo, ika-4 na episode, Mexico, ika-5, Rio de Janeiro, ika-6, London at ika-7, Abu Dhabi. Mula sa pagpili ng actor hanggang sa linya ng pagtakbo ng mga motor, lubos na naipakita ang katangiang lokal. Halimbawa, pagkaraang mapanood ang episode 7, tiyak na mai-impress kayo sa paglipad ng kotse mula sa Jumeirah at Etihad Towers.

Kung nabanggit ang tagumpay ng Fast & Furious, kailangang banggitin din natin ang isang tao-iyan ang walang iba kundi si Paul Walker, noong taong 2013, namatay si Paul sa isang car accident matapos dumalo sa isang charity party. Ito ay may kinalaman sa pagbibigay ng tulong sa Pilipinas pagkatapos ng bagyong Yolanda. Mula noong 28 taong gulang, hanggang sa kanyang 40s, siya ang leading role kasama ni Vin Diesel sa buong serye ng Fast & Furious. Nakumpleto niya ang Fast & Furious at kinumpleto rin ng Fast & Furious si Paul.

Dahil hindi niya natapos ang pagshu-shot ng Fast & Furious nang yumao si Paul, para magpahayag ng paggalang at isinaalang-alang ang problemang pinansyal, hindi binago ng Universal Films ang actor, sinusog nila ang plot at inanyayahan ang dalawang kapatid na lalaki ni Paul bilang stand in, sa tulong ng computer graphics, perpektong nabuhay si Paul sa screen. At ito ay naging isa pang sikreto ng tagumpay ng Fast 7, pumunta ang mga fans sa sinehan, nagpahayag ng kanilang pakikidalamhati kay Paul, tapos, para makita kung anong kaya ang kinalabasan ng buong pelikula pagkaraang tunay na mamatay ang leading actor sa halfway ng shooting.

Sa atomosperang ito, agarang naging mainit na topic ang theme song ng passion 7 na "See U Again". Pagkaraang mamatay ni Paul, ninais ng producing company na kathain ang isang kanta bilang paggunita sa kanya, pinagtipon-tipon nila ang mahigit 50 music producers na kinabibilangan ni Charlie Pugh, sinulat ni Charlie ang ilang simpleng lyrics at pinangalanan ang kantang ito na "See U Again". At sa magkakasamang pagsisikap ng maraming producer, napakinggan natin ang kasalukuyang final version.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-13 2015 2015-04-23 14:43:13
v Pop China Ika-12 2015 2015-04-17 19:23:03
v Pop China Ika-11 2015 2015-04-10 19:25:04
v Pop China Ika-10 2015 2015-04-02 16:46:47
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>