Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-13 2015

(GMT+08:00) 2015-04-23 14:43:13       CRI

Unang una, nais kong i-share ang ilang entertainment news sa inyong lahat. Mahabang panahon na hindi natin nakita si Aviril Lavine, at sa isang interview, ibinahagi niya na nitong 2 taong nakalipas, dinanas niya ang malalang karamdaman at pwedeng sabihing isa ito sa pinakamapanganib na panahon sa kanyang buhay. Hindi niya kayang normal na huminga. Shocking di ba? Pero magaling na ang singer who brought us hits like Skater Boi at Im With You.

Samantala, pagkaraang ipatalastas ang pag alis mula sa One Direction, agarang nawala si Zayn Malik mula sa limelight at sa pamamagitan ng facebook niya, nalaman nating naka pokus ito sa love like at nag-eenjoy siya ng sweet time kasama ang kanyang fiancee. At baka ikasal sila sa malapit na hinaharap. Tapos, isa pang magandang balita, mayroon ng bagong boyfriend si Taylor Swift at ang kanyang bagong Mr Right ay si Calvin Harris, isang singer, music producer at DJ na galing sa Scotland. Congrats sa kanya. Sana Taylor will write happy love songs tungkol sa kanilang dalawa J

Sa ilang nagdaang episode ng Pop China, tiningan natin ang maraming awards na tulad ng Billboard na iginagawad ang mga awards batay sa bilang ng pagbebenta ng album, Ang Grammy Awards naman ay pinipili ng mga propesyonal na music critics samantala ang People's Choice Awards na pinagbobotohan ng mga music fans. Ngayong gabi, kasisiyahan natin ang isa pang music award, katatatag ng dalawang taon pa lamang, nakaakit ng pagkatig ng maraming super star, ito ay tinatawag na canival ng mga music fans at pinakapopular na partner na gustong makipagkooperasyon ang mga first class na singer. Ano kaya ang sikreto sa pagsikat ng iHeart Radio Awards?

Ang iHeart Radio, ay medyo di pa sikat sa mga music fans na Pilipino, actually, ito ay pangalan ng isang popular na popular radio station sa Amerika, batay sa kanilang matapat na followers, mula noong apat na taong nakalipas, pormal na pumasok ito sa sirkulo ng music festival at bawat Setyembre, inaanyayahan nito ng mga pinakapopular na singer na dumalo sa kanilang music festival at bawat singer, puwedeng kumanta nang mga 20 minuto, kaya, sa iHeart Music Festival, puwedeng marinig ang pinakapopular na kanta ng pinakapopular na singer.

Dahil sa malaking tagumpay sa music festival, mula noong taong 2014, sinubok ng iHeart Radio na idaos ang kanilang sariling music awards o ibig sabihin, iHeart Music Awards. Dahil sa magandang pag-uugnayan ng radio station at music festival sa mga singer, kahit dalawang taon pa lang, mayroon na sila nakakabilib na guest list kabilang sina Madonna, Taylor Swift, Rihanna at Justin Timberlake ang dumalo at nag-perform sa iHeart Radio.

Bukod sa mga super stars na dumalo, sa pagtatakda ng award, napakaespesyal naman ng iHeart Radio. Dahil alam nilang kung gustong mapalakas ang kanilang brand at activity, ang mga fans ay pinakaimportanteng puwersa, kaya, sa simula ng kanilang music award noong taong 2014, itinakda nila ang isang award para sa mga fans, at iyong singer na may pinakamaraming fans na bumuto para sa kanya ang tatangap ng award. Ang 2015 iHeart fans award ay napunta sa Five Seconds of Summer.

Sa pamantayan ng pagpili ng mga winner sa Best Country Music, Best Pop music at ibang usual na award, ginawang priyoridad ng iHeart Radio ang bilang ng pagpapatugtog ng isang music sa radio station at bilang ng pag-download sa streaming sites. Pero, walang silang award para sa Best Male o Female Singer, sa halip, pinili nila ang iisang Best Singer of the Year. Kaya, puwedeng maging masyadong maigting ng kompetisyon. At this year, natalo sina Sam Smith, Agelina Kelly at Luke Bryan, ni -- Tylor Swift, na buong ipinagmalaki at itinaas ang kanyang hard earned iHeart trophy. Bukod sa Best Singer of the Year, nakuha pa niya ang Best Lyrics at Best Song of the Year na naging pinakamalaking winner sa 2015 iHeart Radio Awards.

Isa pang bagay na dapat banggitin, bukod sa sirkulong musikal, kung nakakuha ang isang singer ng kapansin-pansin bunga sa TV, Pelikula o Komersyo, natanggap din niya ang pagkilala at papuri ng iHeart Radio Awards. In a word, hinihikayat nito ang mga singer na pasulungin ang kanilang karera sa iba't ibang aspekto. At this year, bilang isang singer, actor, businessman, nakuha ang award na ito si Justin Timberlake.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-12 2015 2015-04-17 19:23:03
v Pop China Ika-11 2015 2015-04-10 19:25:04
v Pop China Ika-10 2015 2015-04-02 16:46:47
v Pop China Ika-9 2015 2015-03-27 14:34:21
v Pop China Ika-8 2015 2015-03-18 20:35:10
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>