Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-17 2015

(GMT+08:00) 2015-05-23 16:42:53       CRI

Sa katatapos na bakasyon ng International Labor's Day, ang bagong 3D animated film na "Home" ay nakaranas ng isang cold welcome sa pamilihang Tsino. Samantala, mula noong unang ipinalabas ito noong ika-27 ng Marso sa North America, maganda ang box office sales nito pati ang pagtaya. At sa unang linggo, nakuha ang mahigit 330 milyong dolyares na box office sales nito na naging ika-3 pinakamalaking halaga na naabot ng bagong pelikula ng DreamWorks.

Ang malaking tagumpay ng "Home" sa Amerika, ay dapat ipagpasalamat sa mahusay na production group nito, bagama't magkakasunod na nakaranas ng deficit, pagbabawas ng employee at iba pang krisis, nananatiling magaling ang pagkukuwento, visual at sound effect ng lahat ng pelikulang ipinoprodyus ng Dream Works. Ang "Kungfu Panda", "Madagascar", "Shrek", "The Prince of Egypt", tiyak nag-iwan ang mga ito ng malalim na impresyon sa mga classic na produksyon nito.

Bukod ng de-kalidad na produksyon, tulad ng dati, sa pelikulang "Home", inanyayahan pa ng DreamWorks ang mga big names bilang dubbing artists. Si Jim Parsons, leading actor ng popular na popular na TV Series na "Big Bang Theory", ay voice talent n maliit na alien na pinangalanang Oh at ang boses ng little girl na si Tip" sa pelikula ay galing sa kilalang Pop Singer na si Rihanna, ito ang kauna-unahang pagkakataon para sa dalawang super stars na mag-dub para sa big screen. Mahilig na mahilig si Rihana sa pelikula, sinulat niya ang walong music para sa pelikula at kinanta ang tatlo.

Tulad ng Disneyland, mataas na pinahahalagahan ng Dream Works ang mga soundtrack ng pelikula, tiyak na puwede ninyong sabayan ang pagkant ng "Everybody Is Kungfu Fighting" at "When You Believe". Bukod sa walong melody na kinatha ni Rihana, inanyayahan pa ng film company sina Pop Queen Jennifer Lopez, Kiesza at Charli XCX, mga bagong singer galing sa Australya at Britanya na kumanta ng ibang songs sa soundtrack. Kaya, hindi lang exciting ang mga visual effect ng buong pelikula kundi masarap ring pakinggan.

Pero, ang nasabing kawili-wili at de kalidad na pelikula, hay hindi naman mainit na tinanggap ng mga manonood na Tsino. Sa bakasyon ng Labour Day, sa pakikilaban nito sa Fast at Furious 7 at dalawa pang local film, umabot sa 10 milyong dolyares lamang ang box office sales nito na naging ika-5 pinakamalaki sa pamilihang Tsino sa kasalukuyan. Sa susunod na linggo, tatapusin ang pag-papa nito, umaasa akong makikita ng mas maraming viewers na Tsino ang kagandahan ng pelikulang ito.

Ang bawat boyfriend ni Taylor Swift, ay, tulad ng kanyang bagong album, nakakatawag ng malaking pansin mula sa publiko. Nag-fall in love kay Taylor Swift nang ilang buwan pa lamang, kinumpirma kamakailan ng best friend ni Taylor na si Ed Sheeran ang katauhan ni Kelvin Harries bilang bagong boyfriend ni Taylor. BBilang No. 1 na pinakamayamang DJ na pinili ng Forbes, si Kelvin ay pinakamatangkad na boyfriend ni Taylor na umabot sa 196 cm. Puwedeng mag lean on him ang 180 cm na si Taylor.

Mainit na tumatakbo ang NBA Playoffs at nauna rito, sa bagong official promotion Music Video nito , bukod kina Kyrie Irving, Tim Duncan, James Harden at ibang leading player, nakita natin ang long time no see na Black Eyed Peas. Congratulations at most important, umaasa ang mga fans na idaraos nila ang konsiyerto sa Tsina sa lalong madaling panahon.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop china ika-16 2015 2015-05-15 17:08:42
v Pop China Ika-15 2015 2015-05-09 14:10:32
v Pop China Ika-14 2015 2015-04-30 15:51:47
v Pop China Ika-13 2015 2015-04-23 14:43:13
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>