Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-18 2015

(GMT+08:00) 2015-05-29 18:59:58       CRI

Kung ikaw ang big fan ng Korean Pop Music, hindi dapat ninyo mamiss ang programa para sa gabing ito. Inilabas kamakailan ng Youtube ang mga music video ng K-Pop stars na pinanood ng pinakamaraming beses nitong nagdaang Abril sa buong daigdig. Heto ang tanong: kaya kayang talunin ng mga contenders ang No 1 girlgroup na Girls' Generation o kaya ba nilang lampasan ang views ng Big Bang kahit hindi ito naglabas ng bagong kanta sa loob nang mahigit 3 taon? Sa susunod na bahagi, malalaman natin ang sagot.

Kung titingnan ang Top 5 na kantang pinanood sa Youtube ng pinakamaraming beses nitong nagdaang Abril, puwedeng sabihin nating ito ay isang tunggalian o rivalry sa pagitan ng tatlong pinakamalaking music company ng South Korea na YG, JYP at SM. Kabilang dito, ang YG ay walang dudang big winner, kasi, sa Top 5, may tatlong kanta na galing sa singers ng kanilang company.

Sa Ika-5 puwesto, ito an kantang "Tell Me One More Time" na kaloob ng beteranong hip-hop group na JINUSEAN featuring Jun Hyo Seong na galing sa YG Music. Sapul nang buuin ang duo na Jinusean noong taong 1997, nitong 18 taong nakalipas, ipinalabas na ng JINUSEAN ang apat na album at bihirang lumitaw sa mga TV programs, pero, natanggap nila ang pagkatig ng ilang matapat na fans. At pagkaraan ng 11 taon, noong Abril, sa tulong ng kantang "Tell Me One More Time, muling umakyat sila sa first place ng iba't ibang music chart ng Timog Korea at ipinakita ang medyo kakaiba at kanilang natatanging Hip Hop Style.

Bilang unang grupong Asyano na natamo ang Worldwide Act award ng MTV Europe Music Award o EMA at unang K-Pop group na nakasali sa Grammy Awards, sapul nang ipalabas ng Big Bang ang kanilang album na "Still Alive", tatlong taon nilang pinaghintay ang kanilang fans bago sila maglabas ng bagong kanta. Marami silang pinagkaabalahan – kaya inorder not to disappoint their fans naghanda na sila ng pinakahihintay na come back. Mula noong ika-30 ng Abril, magkakasunod na ipinalabas nila ang bagong kanta, dalawang kanta bawat buwan at aabot ang kanilang "come back" hanggang Agosto.

Dahil tatlong taon ang paghihintay, naipon na ng mga fans ng Big Bang ang maraming passion, maraming love, kaya, natural na natural nakita nating bagama't ipinalabas ang bagong kanta sa huling dako ng Abril, sa loob ng 13 days lamang, lumampas sa 10 milyong beses ang bilang ng panonood ng kanilang dalawang music video sa Youtube na nakakuha ng ika-4 at ika-3 puwesto sa listhan. Bukod sa love and passion, naipon pa ng mga fans ang maraming pera. Sinimulan na ang music tour ng Big Bang sa buong daigdig, at kagabi, ilang minuto lamang, nag-sold-out ang first class na tiket sa mga official website ng Tsina, kay popular ang lima poging miyembro sa Tsina.

Tinalo ang Big Bang at naging second place sa listhan ng mga K-Pop music video na pinanood ng pinakamaraming beses noong Abril ang kantang "Who's Your Mama" na binigay ni J.Y.Park feat. Jessi of Lucky J. Bilang big boss ng JYP music, bagama't kumpara sa isang singer, mas matagumpay si J.Y. Park sa pagsasagawa ng business, hindi nalimutan niya ang kanilang love sa pagkanta at sinamantala ang lahat ng pagkakataon, at ipinalabas ang kanyang sariling music. Although, totong parang isang gorilla siya kapag kumakanta at sumasayaw… di na bale Top 2 naman siya.

Walang exciting melody, kundi cool na dance choreography at medyo pangit na kasuotan kasama ng boring na background na isang construction site, nakaranas ng cold welcome ang bagong kantang "Catch Me If You Can" na kaloob ng Girl's Generation mula sa SM Entertainment. Pero, pumasok sa sirkulong musikal nang mahigit 8 taon, at bilang winner ng Forbes sa katekoryang "Most Influential South Korean". Malaki na malaki ang kanilang impact sa buong daigdig. Salamat sa kanilang popularidad nitong ilang taong nakalipas, naging winner ang Girls' Generation sa Youtube Music Rank-Korean Part para sa Abril.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-17 2015 2015-05-23 16:42:53
v Pop china ika-16 2015 2015-05-15 17:08:42
v Pop China Ika-15 2015 2015-05-09 14:10:32
v Pop China Ika-14 2015 2015-04-30 15:51:47
v Pop China Ika-13 2015 2015-04-23 14:43:13
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>