Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-19 2015

(GMT+08:00) 2015-06-05 19:12:38       CRI
Noong ika-18 ng Mayo, sa MGM Grand Hotel, Las Vegas, lugar na pinagdausan ng War Of The Century nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, idinaos din ang 2015 Billboard Music Awards. Ang Billboard Music Awards ay inihandog ng kilalang Billboard Magazine at hindi tulad ng Grammy na pinipili ang winner ng mga professionals na medyo subjective ang resulta, ang lahat ng winner ng Billboard Music Awards ay pinipili mula sa mga winner ng music chart, dagdag pa ang resulta ng pagbebenta ng album, bilang ng pagdown-load sa mga streaming sites at pagpapatugtog sa mga radio station.

Kung pag-uusapan ang biggest winner ng 2015 Billboard Music Award, walang iba kundi si Tylor Swift ay may hawak ng titulong ito. Bukod sa Best Female Singer, Best Album, dalawang napakaimportanteng award, natamo ni Talyor ang 12 nominasyon at ang 8 gintong microphone. Noong taong 2013, sa tulong ng kanilang album na "Red", itinaas minsan ni Talylor ang walong trophy sa isang gabi. Mula noong Oktubre hanggang sa kasalukuyan, lumampas sa 3.4 na milyong kopya ang benta ng bagong album ni Taylor na "1989" na naging Best Selling Album sa taong 2014 bukod sa soundtrack ng animated film na "Frozen".

Dahil sa malaking tagumpay na natamo ni Taylor, this year, ibinigay pa ng Billboard ang isang bonus para kay Taylor at espesyal na ini-ere ang music video ng bagong kanta niyang "Bad Blood" . Sa video, inanyayahan ni Taylor ang ilampung first class na female artist na kinabibilangan nina Gigi Hadid, Cara Delevingne, Cindy Crawford, Ellie Goulding na magkasamang nag-perform, napaka cool and sexy ng MV. Bukod sa bonus na kaloob ng Billboard, sa awards night, natanggap pa ni Tylor ang passionate na yakap at halik mula sa bagong boyfriend niyang si Calvin Harris.

Bukod kay Tylor Swift, ang buong 2015 Billboard Music Award ay naging arena ng mga batang singer na isinilang pagkaraan ng 1990s. Pawang natamo ang tatlong award ng mahusay na rapper mula sa Australya na si Iggy Azilia at natural born music genius mula sa UK na si Sam Smith. Si Sam Smith ay nakakuha ng 13 nominasyon at bagama't hindi nakadalo sa award ceremony dahil sa throat surgery, tinalo pa niya si Pharell Williams, Justin Timberlake at Ed Sheeran na naging winner ng Best Male Artist.

Ang boy's group na "One Direction" na galing sa UK ay nananatiling dream lover ng libu-libong binibini sa buong daigdig. Noong Marso, ipinatalastas ni Zayn Malik, iyong pinakaguwapong miyembro ang pag-alis niya sa grupo. Ang katatapos na Billboard Awards, ang kauna-unahang paglabas ng 1D sa formal occasion pagkarang umalis si Zayn at bagama't tila hindi masigla ang natitirang apat na miyembro, sa tulong ng No 1 box office sales ng kanilang world music tour sa taong 2014, nakuha pa nila ang "Top Duo or Group Award".

Dahil sa limitasyon ng stage at walang malaking stage props, medyo simple ang stage design ng award ceremony ng 2015 Billboard. Kaya, ang kolaborasyon ng mga superstars ay naging pinakamalaking highlight ng gabing ito. Kabilang dito, nakatawag na pinakamaraming pansin ang kantang Pretty Girl na ibinigay nina Britney Spears at Iggy Azela. Sa gabing ito, nakita natin ang long time no see na hot dance ni Britney. Bagama't wala na ang kanyang perfect body shape noong 18 taong gulang siya, Ok na Ok pa rin ang kalagayan niya nitong limang taong nakalipas.

Sa bandang huli, heto ang isang tsismis, bukod sa collaboration ng mga big names, bilang stage ng sumisikat dahil sa creativity, inihandog ng production group ng Billboard ang fantastic background na screen at 3D effect ng stage light. Pagdating ng final performance si Kanye West, naghanda ang production group ng matinding fireworks, sobrang lakas, kaya, natabunan si Kanye. Excited na excited ang mga viewers at nalimutang umaawit si Kanye sa gitna ng usok at paputok.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-18 2015 2015-05-29 18:59:58
v Pop China Ika-17 2015 2015-05-23 16:42:53
v Pop china ika-16 2015 2015-05-15 17:08:42
v Pop China Ika-15 2015 2015-05-09 14:10:32
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>