|
||||||||
|
||
Alam ba ninyo na sa Tsina, napakahirap para sa karaniwang mamamayan na buksan ang Youtube, Facebook, Instagram at mga social websites. Mayroong sariling social websites ang Tsina, ang pinakamalaki at pinakasikat ay Weibo o microblog. Nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng pag-unlad ng pamilihang musikal ng Tsina, dumarami ng dumarami ang mga artistang dayuhang nagbubukas ng kanilang weibo account sa Tsina. Ngayong gabi, titingan natin ang mga stars at kanilang weibo accounts.
Noong 2014 hanggang unang kalahati ng taong 2015, idinaos na ni Katy ang 124 konsiyerto at kumita ng mahigit 135 milyong dolyares na naging pinakamalaki sa music circle. Kabilang dito, para i-promote ang kanyang apat na konsiyertong idinaos sa Shanghai, Beijing, Guangzhou at Macao ng Tsina mula noong Oktubre ng 2014, binuksan ni Katy ang kanyang Weibo account at hanggang sa kasalukuyan, ito ay may mahigit 430 libong followers, madalas na inibahagi niya ang kanyang make-up, accessories at pet sa weibo. Sa bisperas ng konsiyerto, espesyal na inirecord niya ang isang video clip sa mga fans na Tsino.
Kumpara kay Katy Perry, mas maaga si Taylor Swift na magkaroon ng official weibo account. Bagama't magkaribal sina Katy at Taylor, sa aspekto ng pag-alaga ng pet, parang puwedeng mag- chat sila nang masaya, dahil madalas na ipost ni Katy ang kanyang aso, samantala, si Taylor naman ay laging napapakita ng litrato ng kanyang pusa. Bukod dito, nananatiling considerate at industrious si Katy, mula noong unang post, ipinalabas ni Katy ang mga mensahe sa wikang Ingles kasama ng translation sa wikang Tsino, at ini-update niya ito tuwing dalawang araw o even, 2 o 3 beses bawat araw.
Kung titingan ang weibo page ni Mika o Mica Penniman, winner ng BBC sound of 2007, I think, bagay na bagay ang mga post sa mga Pilipino na marunong 2 wika. Madalas na sinulat niya ang mga post sa Igles, Espanyol at Pranses. O ibig sabihin, kung walang napakataas na language skill, napakahirap para sa mga fans na makipag communicate sa kanilang idol. Pero, para sa akin, I am just wondering kung ano ang brand ng cellphone ni Mica na puwedeng gumamit ng Chinese, English, French at Spanish typewriting.
Siguro, iba't iba ang dahilan ng pag-rehistro ng mga artistang dayuhan sa Weibo, para sa mga singer, puwedeng makolekta ang mas maraming popularidad at para sa mga fans naman, hindi kailangang gamitin ang VPN, puwedeng makipagpalitan sa idol, win win di ba? At dahil sa pinakamalaking populasyon sa buong daigdig, malaki ang bentahe ang mga fans na Tsino sa mga balloting, ang isang singer, kung may pagkatig ng mga fans na Tsino, ay pwedeng magtagumpay sa mga pagboto. Pero, para naman kay mean at snobbish na si Afrojack, noong 2014, binuksan ni Afrojack ang microblog, at ang kanyang kuna-unahan at tanging post ay isang linkage para sa pagboto ng 2014 Top 100 DJs.
Kumpara sa mga artistang dayuhan, napakaaktibo at popular ng mga K-Pop Stars. Halos lahat ng kasalukuyang sikat na K-Pop star ay may sariling weibo account. Halimbawa, ang Choi Siwon, miyembro ng kialalang K-Pop Group na Super Junior, mayroon siya ng mahigit 16 milyong followers sa weibo account na mas malaki kumpara sa nakararaming artistang Tsino. At sa tuluy-tuloy na pagpromote ni Choi Siwon sa weibo, naging first place ang viewers rating ng TV drama na "She was beautiful" na inilalabas ng Munhwa Broadcasting Corporation o MBC online.
Siguro , kumpara sa kanyang mga kababayan, hindi marami ang followers ni Choi Siwon, sa mga K-Pop Star, si Psy ay may No 1 na pinakamalaking bilang ng followers na umabot sa 25 milyon at sa ika-2 ay ang Heirs star na si Lee MinHo at sa ika-3 ay si Lee Jun-ki, pinakaguwapo na Vampire. At sa mga female artists, bukod kay Victoria Song, Chinese member ng K-Pop group na "Fx" na may 16 milyong followers, sa tulong ng kanyang namumukod ng performance, may pinakamaraming followers si Park Shin Hye sa weibo at umabot sa 7 milyon.
Siguro, kumpara sa Facebook, Twitter at Instagram, dahil sa problema ng wika, medyo simple at di-direkt ang mga mensaheng gusto ipakita ng mga artista, pero, hindi makaaapekto ang mga ito sa passion at love ng mga fans sa kanila.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |