![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Noong Biyernes, pagkaraang maganap ang terrorist attack sa Paris, pamsamantalang naging tahimik ang sirkulo ng entertainment, kinansel ng marming artista ang kanilang konsiyerto. At sa kanyang music tour sa Switzerland, nanawagan si Madonna na huwag susuko sa mga terorista at sabi ni Madonna na we work hard we derserve to have fun, there is no one in this world that should have right to stop us from what we love. Tapos, sa tulong ng isang kantang "Like a Prayer", nagpahayag si Madonna ng pakikiramay at pakikidalamhati sa mga nasawi sa paris.
Sa isang award ceremony naman, inanyayahan ni Justin Bieber ang pare na magdasal para sa mga nasawi sa terrorist attack. At sa kanyang wining speech, nanawagan si Justin Bieber to take a moment of silence for Paris, sinabi niyang naganap ang ilang nakakalungkot na pangyayari sa Paris, namatay ang maraming tao, dumudugo ang kanyang puso at dapat nanawagang magkasamang magsikap para maging mas maganda ang mundo.
Tapos na ang adolescent rebellion, parang naging mas considerate at mature si Bieber at sinimulang isa-alang-alang ang kanyang fans, kaibigan at kapamilya. Sa isang appearance sa show ni Ellen Degeneres, biglang inamim ni Bieber na hindi pa tapos ang relasyon nila ni Selina Gomez, magkahiwalay na naghahanap lang silang dalawa ng sariling landas ng buhay at sa isang interview, ipinahayag naman ni Selina na minamahal pa niya si Bieber at mayroong espesyal connection sa mga puso nilang dalawa. Guess? anong mangyayari sa susunod? Who knows.
Noong katapusan ng Oktubre, sa award ceremony ng MTV European Music awards, inawit ng long time no see na si Adele ang "Hello" carrier song ng kanyang bagong album na pinamagtang "25". Sa ika-2 araw, umakyat ang kantang ito sa first place ng Itunes sa 85 bansa. At ayon sa ulat, ito ang pinal ng album ni Adele na may titulong taglay ang kanyang edad at naghahanda na si Adele para sa kanyang kauna-unahang world music tour at baka mapanood natin siya sa taong 2016 para sa Asian leg ng kanyang tour.
Ayon sa plano, pagkaraang tapusin ang kanilang final performance sa Motorpoint Arena sa Sheffield noong ika-31 ng Oktubre, pormal na pumasok sa vacation season ang One Direction. At noong isang linggo, ipinalabas nila ang isang bagong kantang History na sinasabing ito ang goodbye letter na kaloob ng 1D sa mga Directioner. Pero, ang pinakahuling balita, sila ay tiyak na magiging performing guests sa American Music Awards na nakatakdang idaos sa ika-22 ng buwang ito at puwedeng makita ng mga Directioner ang kanilang idols sa live broadcast.
Bagama't paulit ulit na binigyan-diin ng apat na miyembro at music company na hindi magdi-disband ang 1D, sapul nang buuin ang grupo, limang taong nakararaan, they will just take a little break. Pero, kinikilala pa ng mga kapamilya ng apat na miyembro, sa isang taon na bakasyon, baka ipapublisize ng apat na miyembro ang sariling album o dumalo sa mga programa o ibig sabihin, sasamantalahin ng apat na batang lalaki ang isang taon para hanapin ang kanilang sariling potensiyal sa pagkanta, paghost, pagkatha o paggawa ng musika.
Bagama't hindi ako isang Directioner, gustong gusto ko ang kanilang kasiglahan at emosyong optimistiko. Kaya, have a good time at enjoy your holiday, mga little brother, kita-kits tayo sa 2017.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |