|
||||||||
|
||
Bukod sa mga bagong generation na super idol na Amerikano at Europeo, pumasok sa listahan ng nominasyon naman ang isa pang Tsino na si Jane Zhang, unang artisang Asyano na umawit ng soundtrack para sa Hollywood film, pero, dahil walang pasok sa mga counterpart niya sa kategoryang Worldwide Act mula sa ibang continent, tatlong oras bago idaos ang award ceremony, pansamantalang kinansel ng tagapag-organisa ang bahagi ng paggawad ng "Worldwide Act Award", kaya ipinatalastas ni Jane Zhang na tumanggi siyang tanggapin ang trophy sa backstage at umurong mula sa EMA.
Actually, bukod kay Justin Bieber at dalawang host na sina Ed Sheeran at Ruby Rose, kahit natamo ang awards, hindi lumitaw sa 2015 EMA sina Rihanna, Nicki Minaj, Lana Del Rey, One Direction at iba pang big names. At si Taylor Swift, natamo ang walong nominasyon, naging winner siya sa kategorya ng best music video lamang. Pero, isang good news para sa mga fans ni Taylor na kasasapi ni Taylor sa nominasyon ng Grammy o ibig sabihin mayroon siyang karapatan na bumuto para sa winner ng 2016 Grammy. Actually, ngayon ikinababahala ng mga fans ni Katy Perry na baka muling wala siyang anumang mapanalunan sa 2016 Grammy.
Bagama't walang pasok na big names, nananatiling exciting ang mga performance. Halimbawa, sa kauna-unahang pagkakataon umakyat sa stage ng EMA ang bulag na singer na si Andrea Bocelli mula sa Italya. Siya ang isa sa mga pinakamatagumpay na tenor sa buong daigdig at umabot sa 85 milyon ang kabuuang bilang ng pagbenta ng kanyang mga album. Sa award night ng 2015 EMA, bukod sa pagkanta ng kanyang pinakasikat na obrang "Time To Say Goodbye", nakipagcollaborate pa siya sa bagong singer na si Tori Kelly at magkasamang inawit ang kantang "Learn To Love Again".
Tapos, sa pamamagitan ng kooperasyon nila ni Andrea Bocelli, bagama't walang nominasyon sa 2015 EMA, nakatawag ng malaking pansin naman si Ariana Grande, halos perpekto ang performance niya sa kantang "E Piu Ti Penso" o "I Miss You More", sa kauna-unahang pagkakataon, umakyat si Ariana sa first place ng Billboard classic na naipakitang hindi lamang mayroon siyang magandang appearance kundi malakas na kakayahan ng pagkanta.
Bukod dito, sa bagong music video na "Focus", tini naan ni Ariana ng kanyang brown hair na kulay puti, nakasuot pa siya ng miniskirt na popular na popular noong 1970s at nagperform ng isang sayaw at tumugtog ng trumpet, sexy ng kanyang pagpeform na nakatawag ng pansin mula kay Tom Felton, gumanap na Draco Malfoy sa Harry Potter Series at sinabing kung may pagkakaton, puwedeng muli siyang magdamit ng putting fake hair at makipag-collaborate kay Ariana.
Kapag buong lakas na magsikap ang natitirang 4 na miyembro ng "One Direction" para ipakita at mapanatili ang kanilang popularidad. Lumampas sa 3 milyon ang kabuuang benta ng unang dalawang album ng "Five Seconds of Summer" at ang ika-3 album nilang "Sounds Good Feels Good", bagama't hindi pa lumalabas umakyat na sa first place ng Itunes sa 58 bansa. Kamakailan, ipinatalastas ng "5 seconds" na sisimulan ang kanilang unang world music tour sa Asya at buong pagkakaisang ipinahayag ng mga miyembrong talagang excited sila.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |