Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-16 2016

(GMT+08:00) 2016-05-26 19:42:29       CRI

Noong isang linggo, walang anumang paunang balita, inilabas ni Beyonce ang kanyang ika-6 na studio album na may pamagat na "Lemonade". Ang tema ng album ay pangunahin na, pag-fall-in-love, pag-split, reunion at pagpapakasal. Bukod dito, naging messenger of justice si Beyonce, inanyayahan niya ang mga nanay nina Michael Brown at Trayvon Martin, mga black young men na napaslang sa isang pamamaril na lumabas sa kanyang music video bilang mahigpit na protesta sa racial discrimination

Pagkaraang natamo ang malaking tagumpay ng kanyang unang solo album na"Dangerously in Love" noong taong 2003, napanatili ni Beyonce ang malaking popularidad sa loob at labas ng Amerika at bukod sa pagkanta, mahusay din siya bilang musician, actress, movie producer, songwriter at fashion designer. Noong 2013, siya ay nasa ika-21 puwesto ng Powerful Women sa buong daigdig at ayon sa pagtaya, umabot sa 5.45 milyong dolyares ang kita niya noong 2015.

Abalang abala si Beyonce sa pagkita ng pera, aktibo din siya sa mga Charity Work, sa panahon ng Hurricane Katrina, itinatag ni Beyonce at ng mga kaibigan ang "Survivor Funditon" na ipinagkaloob ang walang bayad ng tirahan sa mga biktima sa Huston. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling tumatakbo ang nasabing foundation. At noong taong 2013, sa pamumuno niya, idinaos ang isang music concert at nakolekta ang 4 milyong dolyares na pondo para sa mga may-cancer.

Si Beyonce ay isang professional sa marketing, bago ipapublisize ang kasalukuyang ika-6 na album na Lemonade, unang lumitaw ang music video ng mga kanta sa HBO, at hindi tulad ng ibang music video, ang video ng 12 kanta ng Lemonade ay isang pelikula. At sa pagitan ng mga video clip, mayroon title o voice-over na isinalaysay ang ideya o emotion na gustong ipakita ng mga video clip na kinabibilangan ng instinct, coldness, depression, questioning at iba pa.

Noong isang linggo, pagkaraang ilabas ang pelikula ng Lemonade sa HBO, agarang lumabas online ang audio file ng 12 bagong kanta ng Lemonade sa Tidal, isang music stream media na pag-aari ni Jay Z, ayon sa ulat ng New York Times, may 3 milyong users ang Tidal, samantala, umabot sa 30 milyon at 11 milyong users ang kanyang mga pangunahing competitors tulad ng Spotify at Itunes sa Amerika, ang askyong ito, ay isang napakatalino at puwersang promosyon para sa Tidal.

By the way, pagkaraang manganak ni Beyonce, walang humpay na lumilitaw ang mga balitang may kinalaman sa pagsplit nina Beyonce at Jay-Z, at noong ipalabas ang music video ng Lemonade, agarang tinukoy ng mga fans na ang buong album ay naging isang paraan para ipakita ang mga complaints ni Beyonce kay Jay-Z, particular na mayroon isang lyrics na kinanta ni Beyonce na, "He only want me when I'm not there. He better call Becky with the good hair", agarang sinimulan ang mainit ang guessing games sa social media at tinarget pa ng mga fans ang lahat ng posibleng suspek na pwedeng maging si Becky.

Pero, nasamantala ang pagkakataong ito, dahil sinakop ni Beyonce ang mga key words ng lahat ng search engines online, umakyat sa first place ng Billboard ang kanyang mga bagong kanta and it doesnt matter kung totoo o hindi totoo ang balita, tiyak na tuwang tuwa si Beyonce dahil sa malaking pansin na tinanggap niya.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-15 2016 2016-05-19 17:18:17
v Pop China Ika-14 2016 2016-05-03 13:44:26
v Pop China Ika-13 2016 2016-04-05 13:38:07
v Pop China Ika-12 2016 2016-04-01 18:39:09
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>