|
||||||||
|
||
Noong 2010, ipinatalastas minsan ng music queen ng sirkulong musikal ng Hapon na si Utada Hikaru na pansamantalang lumisan ng showbiz at mag-concentrate sa personal life. 6 taon na ang nakalipas, at noong ika-15 ng April, pormal na ipinalabas ni Hikaru ang kanyang bagong kantang may pamagat na "Sudden Midsummer Shower" "A Bouquet For You". Nakatawag ang mga kanta ng malaking pansin mula sa music circle sa loob at labas ng hapon, dahil, ayon sa mga fans, muling naramdaman nila ang damdamin noong mapakinggan ang "first love" ni Hikaru.
Actually, nitong 6 na taong nakalipas, ipinanganak na ni Hikaru ang isang malusog na anak na lalaki at naging isang nanay. Ang karanasang ito ay nakapagbigay ng malaking pagbabago sa music style ni Hikaru. At sinabi ng ilang music fans na sobrang magkaiba ang damdamin na ipinakita ni Hikaru kumpara sa mga nagdaang kanta mula sa talentong girl sa isang talentong mother, nananatiling masarap pakinggan ang mga melody na sinulat niya pero, ang kanyang boses, bukod ng sweetness, mayroon pang patience at tolerance.
Actually, noong naganap ang Kumamoto earthquake na may lakas na 7.3 sa Richer Scale, agarang nagpahayag si Hikaru ng malalimang pakikiramay sa mga nasalantang mamamayan sa Kumamoto sa Instagram, at ang kanyang kantang "A Bouquet For You", dahil walang maliwanag na theme, iba't ibang tao ang may iba't ibang pag-uunawa at sinabi ng fans na para sa Kumamoto ang kantang ito at nakapagbigay ng malaking suporta sa kanila at para itong espesyal na sinulat para sa kanila.
Noong isang linggo, sinalubong ng mainit na mainit ang last episode ng Korean TV drama na "Decendants of the Sun" nakuha ng leading actor- Song Joong Ki ang malaking popularidad sa buong Asya, at para samantalahin ang pagkakataong ito, pormal na sisimulan ni Song ang kanyang kauna-unahang fan meeting tour sa susunod na buwan. Hanggang sa kasalukuyan, alam kong pupunta si Song sa Beijing, Shanghai, Guangzhou, Hong Kong at iba pang 4 na malaking lunsod ng Tsina, at lumampas sa 2000 USD ang presyo ng tiket.
Nakatanggap ng malaking suporta si Song Joong Ki, samantala, nang interbiyuhin ng mass media, ipinahayag ni Song Hye Kyo na bago siya gumawa ng promotion activity sa Hong Kong, hindi niya akalain na sa tulong ng TV drama na ito, ang lahat ng bagong actor at actress sa drama series ay nagiging sikat na sikat sa labas ng bansa, at bilang leading actress, masyadong ipinagmamalaki niya tungkol dito. At kung walang namumukod na istorya, baka hindi siya lalabas sa ibang TV drama sa malapit na hinaharap.
Kapag lumikha ng isa at pang rekord drama series bukod sa view rate, ang mga OST ng "Decendants of the Sun" ay magkakasunod na umakyat sa first place ng mga music chart ng Timog Korea. At sa susunod na buwan, nakatakdang idaos ang espesyal na konsiyerto ng mga OST ng "Descendant of Son", bukod kina Yoon Mi-rae, Chen at iba pang singer, sina Jin Goo, Kim Ji Won at mga actor ay dadalo sa naturang konsiyerto.
Last but not least, isang bad news para sa lahat ng fans ng western music, noong Huwebes na gabi, biglang yumao ang Iconic musician na si Prince Rogers Nelson sa bahay niya sa Minneapolis, Amerika. Nanalo siya ng 7 Grammy, 5 All American Music Award, 3 British Music Award, 3 NAACP Image at 4 na MTV music awards, at naapektuhan ng kanyang musika ang maraming kasalukuyang super stars at noong 1990s, siya ang tanging super star na kapantay ni Micheal Jackson.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |