Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga gawain ng artistang dayuhan habang nasa Tsina

(GMT+08:00) 2016-10-26 15:48:50       CRI

Nitong ilang taong nakalipas, naging ibayo pang mahalaga ang pamilihang Tsino sa entertainment industry ng bansang Europeo at Amerika, maging pagpapalabas ng pelikula o o pagkakaroon ng konsiyerto, isa sa mga important stops ng tour o parte ng premier ang Tsina.

Kaya madami ring mga stars ang nagpupunta sa Tsina.

At sa kanilang libreng oras, para makapahinga sa tight schedule, some of them, gustong tahimik na lumabas ng hotel para makita ang mga tanawin o tikman ang pagkaing lokal. Ngayong gabi, kasama ng inyong happiest DJ Sissi, titingan natin ang ilang lugar na popular na popular sa mga super star dito sa Tsina.

Sa kanyang commerical activities kamakailan dito sa Beijing, tulad ng lahat ng foreigner, bumisita ng Tiananmen Square si Chester, lead vocalist ng bandang Linkin Park. Nagpakuha ng litrato si Chester sa tapat ng larawan ni Chairman Mao, tapos, pumunta siya sa Beijing San Li Tun Bar Street, doon, tinugtog niya ang gitara at kumanta na parang isang street artist, pero, agarang na-recognize siya ng mga fans at nakatawag ng maraming onlookers.

Noong isang buwan, bumisita ng Beijing si Ian Mc Kellen, 77 taong gulang na artistang sikat sa kanyang role bilang Gandalf the White, sa halip ng pagsakay ng maluhong private car na bigay ng tagapag-organisa, mas ginusto niyang sumakay ng subway at makipag kwentuhan sa mga pasahero. Bukod dito, pumunta siya sa Summer Palace, Forbidden City, iyong mga kilang historic site. Sa gabi, tulad ni Chester, pumunta siya sa Sanlitun Bar Street, uminom ng beer at nakaranas ng night life ng Beijing.

Isa pang interesting na pangyayari, pagkaraang mag-enjoy ng night life sa Beijing, pumunta pa sa Shanghai si Mc Kellen, bukod sa The Bund o Wai Tan, iyong magandang riverside street ng Shanghai, tuloy ang bakasyon grande ni Mckellen sa "People's Park". Mayroon isang espesyal na kanto sa "People's Park", kung saan nagtitipon-tipon ang mga single person para makahanap ng possible mate, at si Mc Kellen naman, bitbit ang isang paper na nakasulat ang 5'11'' 77 years old, Cambridage University, House In London, still active.

There is a saying, He who has never been to the Great Wall is not a true man, at kung nabanggit ang Tsina, parang ang Great Wall ay ugar na dapat puntahan ng mga superstar. Magkakasunod na nagsagawa ng tour sa Tsina sina Katy Perry at Beyonce, nagsplit si Kerry Perry sa Great Wall, samantala, si Beyonce naman ay umakyat ng Great Wall sakay ng camel, at bumaba ng Great Wall sakay cable car , inirekord pa niya ang lahat ng biyahe sa Great Wall sa pamamagitan ng cellphone at inilakip ang mga ito sa DVD ng kanyang world music tour.

Bukod ng Forbidden City, at Great Wall, sometimes, pinipili ng ilang artists na isagawa ang promotional activity sa Sichuan, dahil, ang Sichuan ay lupang-tinubuan ng giant panda. Halos lahat ng giant panda na namumuhay sa mga zoo sa buong daigdig, ay galing sa Chengdu Panda Breeding and Research Center ng Sichuan. Noong isinagawa ang promotion activities para sa Kungfu Panda III, kinalong ni Kate Hudson ang isang giant panda sa breeding and research center, at noong idaos ang kanilang goodbye concert, epesyal na pumunta sa Sichuan ang limang miyembro ng Backstreet boys at kinarga nila ang limang baby panda.

Sa last few minutes ng ating program, isang big news para sa mga fans ni Lady Gaga, isiniwalat kamakailan ni Chase Mruphy, isang DJ mula sa estadong Texas na ipapalabas ang bagong album ni Gaga sa loob ng 30 araw. At this time, ito ay isang Pop Album, nitong 3 taong nakalipas, abalang abalang siya sa Jazz Music at pagpe-perform, akala ko baka iwan na niya ang pagiging isang pop singer, pero, bumalik siya. At isa pang big big news, sa bagong album, makipag-collabrate si Lady Gaga kay Katy Perry. Music fans Im sure like me you're all excited!

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>