Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ang Pamamahay ng Sikat na Manunula sa Chengdu

(GMT+08:00) 2011-11-07 17:41:53       CRI

Ang Dufu's Thatched Cottage ay isang museo at memorial ni Dufu na matatagpuan sa kanlurang parte ng Chengdu na may lawak na 97.000 metro kwadrado (24 acre). Si Dufu ay isang pamosong manunulang Tsino noong dinastiyang Tang. Ang memorial na dati'y isang templo ay itinayo noong ilang nakaraang libong taon sa dinatiyang Song.

ang lumang bahay ni Dufu

Umalis ng bahay si Dufu nung siya ay 20 taong gulang pa lamang, at sa pagkaraan ng ilang taon siya ay naging opisyal sa korte ng Dinastiyang Tang. Hindi nagtagal sa kanyang panunungkulan si Dufu, dahil siya ay nahuli ng mga rebelde at napilitang lumisan patungong Chengdu. Dito, sa maliit at simpleng kubo, nagsulat si Dufu ng mahigit 200 tula na ngayon ay kinikilala bilang masterpieces ng realistikong panunula.

ang pintuang papasok sa bahay ni Dufu

Ang may 97,000 metro kwadrado na parkeng ito ay naglalaman ng the Gate, the Screen Wall, the Lobby, the Hall of Verse History, the Gong Bu Temple, Blossom Bathing Memorial na inalay para kay Lady Huanhua, Faggot Gate and the Tablet Pavillion. Isa ito sa dinadayuhang lugar ng mga lokal na residente ng Chengdu. Napansin kong kahit na karamihan sa mga explanasyon ng bawat lugar dito ay may Ingles, hindi ganoon kadami ang turistang dayuhan na pumaparito. Karamihan ay ang mga turistang Tsino.

ang gawang tansong iskultura ni Dufu

Isa sa mga nagustuhan kong lugar dito ay ang Gong Bu Temple kung saan matatagpuan ang life-like na gawang clay ng iskultura ni Du Fu. Habang nakatayo naman ang gawang tansong iskultura ni Du Fu sa Hall of Verse History. Lalo ko pang nagustuhan ang lugar na ito dahil sa punong-puno ang paligid hindi lamang ng puno pati mga katubigan sa loob ng Du Fu's Thatched Cottage.

ang katubigan sa loob ng Dufu Thatched Cottage

Siguradong magugustuhan mo dito kung ika'y naghahanap ng tahimik na lugar sa Chengdu. Naiisip ko tuloy kaya siguro nainspire magsulat ng ilang daang tula si Du Fu dahil sa napakagandang lugar na ito, isang atmosperang bagay na bagay para sa pag-iisip ng mga bagay bagay.

babaeng nagpapakita ng tamang paraan ng pagsala at pag-inom ng tsaa

Related: Pinakapopular na kalye sa Chengdu (2011.11.01)            

               Wuhou Temple (2011.10.25)               

               Wenshu Monastery (2011.10.18)               

               Ang "Makipot at Maluwag na Eskinita" sa Chengdu (2011.10.11) 

               Chengdu, the Land of Abundance (2011.09.27)

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>