Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagsisiyasat ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, tiniyak

(GMT+08:00) 2013-06-19 17:50:31       CRI

NANGAKO si Kalihim Albert F. Del Rosario na makikipagtulungan sa tanggapan ni Congressman Walden F. Bello upang magkapalitan sila ng datos sa mga nagaganap sa ilang mga embahada ng bansa sa Gitnang Silangan.

Sa isang press briefing, sinabi ni Kalihim Del Rosario na nagpulong sila ng mambabatas sa loob ng dalawang oras upang makatagpo ng epektibong paraan upang mabatid ang katotohanan sa mga alegasyong mayroong mga kawani ng mga embahada ng Pilipinas na diumano'y nang-aabuso ng mga manggagawang nagnanais nang umuwi sa Pilipinas.

KALIHIM DEL ROSARIO: MAGSISIYASAT KAMI.  Ito ang pagtiyak ni Kalihim Albert F. Del Rosario sa mga mamamahayag matapos lumabas ang balitang may mga tauhan ng mga Embahada ng Pilipinas sa Gitnang Silangan na sangkot sa ilang ilegal na gawain.  Pinasalamatan niya si Congressman Walden F. Bello sa pagbibigay ng kaukulang datos sa kanyang tanggapan kaninang umaga. (File Photo)

Magiging transparent ang pagsisiyasat at mababatid ng madla ang anumang madidiskubre sa mga gagawing pagtatanong.

Nakiusap din si Kalihim Del Rosario sa mga mamamahayag na huwag nang palakihin pa ang kwento sapagkat wala pang mga prueba na nakararating sa kanilang tanggapan. Wala pa ring pormal na reklamong nakararating sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas. Niliwanag din ni Kalihim del Rosario na inilabas umano ni Congressman Bello ang impormasyon sapagkat nakarating na umano ang balita sa Kagawaran subalit walang kumilos man lang. Idinagdag pa niya na hanggang kahapon lamang niya nabatid ang mga ibinibintang. Nagmula umano ang impormasyon sa isang mataas na opisyal ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas na nababahala na masira ang imahen ng tanggapan.

Kilala naman umano ni Kalihim del Rosario ang high-ranking official ng kagawaran na naglabas ng impormasyon. Wala naman siyang balak na ipatawag ang opisyal upang komprontahin. Aalamin na lamang niya ang katotohanan sa likod ng mga alegasyon.

Mahiwaga pa rin kay Kalihim del Rosario ang balita sapagkat ang impormasyon ay pawang tsismis lamang. Para sa kalihim, mahirap maganap ang "Sex to fly arrangement" o pagkakaroon ng ticket sa eroplano na ang kapalit ay sex.

Anang kalihim, mahirap itong maganap sapagkat ang ginagastusan ng pamahalaan ang repatriation. Sapagkat ito'y walang bayad, wala itong anumang kapalit. Batid ng lahat ng Pilipino sa kanyang mga pagdalaw sa Gitnang Silangan na ang repatriation, gaano man kamahal ay sagot ng pamahalaan.

May isang pangalan ng naibigay sa kagawaran at kanilang aanyayahan upang magbigay ng kanyang salaysay ayon sa kanyang karanasan o kaalaman.

Unang ibinunyag ni Congressman Walden Bello ang balita tungkol sa mga pang-aabuso kahapon sa isang press briefing.

1 2 3 4
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>