|
||||||||
|
||
National Food Authority, handa na sa panahon ng tag-ulan
TINIYAK ni Administrator Orlan A. Calayag ng National Food Authority na mayroong sapat na supply ng bigas sa panahon ng tag-ulan at mapapanatili ang matatag na presyo nito.
Ayon sa administrador, mayroong 13,108,995 sako ng bigas na tatagal ng 21 araw. Mayroon ding 9,558,250 sako ng palay.
Umaabot sa 19 na bagyo ang dumaraan sa Pilipinas sa bawat taon.
Naging masigla ang pamimili ng palay ng pamahalaan sa kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na 40 taon at nahigitan pa ang target nito. Mula Enero hanggang ngayong araw na ito, nakabili ang NFA ng may 5,535,981 na sako ng palay at nahigitan ang target na 3,920,200 bag para sa panahong ito.
Target ng NFA na makabili ng may 615,985 na metriko tonelada ng palay at sa halos limang buwan pa lamang ay nakabili na ang ahensya ng 45% ng kanilang procurement target.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |