Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagsisiyasat ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, tiniyak

(GMT+08:00) 2013-06-19 17:50:31       CRI

Mekeni Food Corporation, wagi sa BID International Quality Award

NATAMO ng Mekeni Food Corporation ang BID International Quality Award sa Platinum Category sa katatapos na International Arch of Europe for Quality and Technology Convention na idinaos sa Frankfurt, Germany kamakailan. Ang pagpaparangal ay napapanahom sa pagtitipon ng mga propesyunal at mga kinatawan ng iba't ibang kalakal sa buong daigdig.

MEKENI FOOD CORPORATION, WAGI NG PANDAIGDIGANG PARANGAL.  Hawak ni G. Prudencio "Pruds" S. Garcia (pangalawa mula sa kanan) ang tropeo na kumikilala sa Mekeni Food Corporation sa katatapos na International Arch of Europe For Quality and Technology Convention.  Idinaos ang parangal sa Frankfurt, Germany at dinaluhan ng mga mangangalakal at kinatawan ng mga samahan mula sa 52 bansa. Naitatag ang kumpanya mula sa mga naipon nina Pruds at mga kapatid na pawang OFW sa Saudi Arabia at Alemanya. (Contributed Photo).

Ang lahat ng nagwagi ay napili sa kanilang commitment sa criteria ng QC100 TQM Model na siyang tumitiyak sa customers' satisfaction at cost efficiency.

Pinarangalan si Prudencio Garcia ng Mekeni Food Corporation sa nagawa ng kumpany libang lider sa kanilang sektor sa Pilipinas. Kinikilala rin ang kakayahan sa kalakal at sa kataptan tungo sa higit na pag-unlad at kakayahan sa larangan ng innovation-key concepts ng QC100 Total Quality Management Model.

Isang tropeo ang ipinagkaloob sa mga nagwaging mga samahan at kumpanya sa buong daigdig na nagpapakita ng galing sa larangan ng innovation sa kanilang mga gawain, pagsusulong ng uri sa bawat antas.

Pinarangalan din ngayong 2013 ang Kuwait National Petroleum Company - na kinilala sa pagakatatag nito noong 1960 sa gitna ng malalaking banyagang kumpanya at mayroon nang higit sa 5000 mga kawani at kitang umabot sa $ 1.6 bilyon. Pinarangalan din ang Variant, ang architectural and engineering project planners na nasa likod ng 40 bilyong Euro Media City Bergen sa Norway. Pinarangalan din ang ANKOL ng Poland, King Fahad Medical City sa Saudi Arabia, Yangtze Optical Fibre and Cable Company Ltd. ng Tsina.

1 2 3 4
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>