|
||||||||
|
||
Foreign Remittances, matatag pa rin
MATATAG pa rin ang personal remittances ng mga Pilipinong manggagawang nasa ibang bansa at tumaas pa ng 7% kung ihahambing sa remittances noong nakalipas na Abril 2012 at umabot sa $ 2 bilyon.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco, Jr., umabot na sa $ 7.7 bilyon ang personal remittances ng mga Pilipino mula Enero hanggang Mayo ng taong ito. Lumago ito dahilan sa 4.6% increase sa remittances ng land-based overseas Filipino workers na may kontratang higit sa isang taon. Ang remittances ng mga magdaragat o sea-based workers at land-based workers na may maiksing kontrata ay lumago rin ng 9.4%
Ang salaping idinaan sa mga bangko ay lumago rin sa unang apat na buwan at nakarating sa % 6.9 bilyon o paglabong 5.7%.
Nangungunang pinagmumulan ng remittances ang Estados Unidos, Saudi Arabia, Canada, United Kingdom, United Arab Emirates, Singapore at Japan. Karamihan ng mga salaping nagmula sa mga bansang ito ang idinaan sa mga bangko.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |