|
||||||||
|
||
melo/20130620.m4a
|
NANATILI ang Pilipinas sa Tier 2 Status ng Global Trafficking in Persons Report ng State Department ng Estados Unidos. Ang Tier 2 ay nangangahulugan na hindi pa natutupad na lahat ang minimum standards na itinakda ng US Trafficking Victims Protection Act.
Ayon kay Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay, noong nakalipas na administrasyon, na sa Tier 2 Watch List na nangangahulugan ng mayroong matitinding uri at dumaraming usapin ng trafficking at nanganganib na ibaba pa sa Tier 3 na magkakaroon ng sanctions mula sa Estados Unidos. Napa-angat ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang katayuan sa Tier 2 mula noong manungkulan siya sa panguluhan.
Bilang dating chairman ng Inter-Agency Council Against Trafficking, nagpasalamat siya sa mga kasapi ng lupon na nanatiling nagtutulungan upang masugpo ang human trafficking.
Binati rin niya si Susan Ople, ang nagtatag at pangulo ng Blas F. Ople Policy Center and Training Institute na kasama bilang NGO sa IACAT sa pagkilalang ginawa ng US State Department sa seremonyang idinaos sa Estados Unidos.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |