|
||||||||
|
||
Sa gitna ng mga batikos mula sa mga mananakay, mga tsuper ng mga pampubliko at pribadong sasakyan at karamihan ng mga mamamayan dahilan sa napakabagal na pag-aayos ng mga lansangan at padaluyan ng baha, pinuri ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang Department of Public Works and Highways sa magaganda nitong nagawa.
Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-115 taong anibersaryo ng kagawaran, pinuri niya at pinasalamatan ang mga kawani ng dating kontrobersyal na ahensya ng pamahalaan sa magagandang nagawa nito.
Ani Pangulong Aquino sa patas na lipunan, ang magagandang nagagawa ay mayroong pabuya kaya't hindi siya nag-atubiling lagdaan ang P 10,000 anniversary bonus sa bawat kawani at opisyal ng tanggapan. Pinuri din niya si Kalihim Rogelio Singson sa mga repormang ipinatupad sa kagawaran na higit na nagpaganda ng kanilang paglilingkod sa mga mamamayan.
Sa ilalim ng liderato ng kalihim, ang DPWH ay nakapagbibigay na ng mabilis at maaasahang serbisyo sa taongbayan, dagdag pa niya.
Sa nakatakdang gawing 41,463 mga proyekto mula 2010 hanggang 2013, nagawa na ang 33,095 o halos 80% ng mga proyekto noong nakalipas na buwan ng Mayo, dagdag pa niya.
Sa tamang palatuntutunan, natapos ang mga proyekto ng mas mabilis at murang halaga, nakapigil ng mga anomalya mula sa pondo ng bansa. Umabot na rin umano ang savings ng DPWH sa halagang P 16.35 bilyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |