|
||||||||
|
||
MAGSASAMA-SAMA ang may 90 mission directors mula sa buong bansa para sa taunang pagtitipon sa Dumaguete City mula sa una hanggang sa ika-apat na araw ng Hulyo.
May temang "The Synod of New Evangelization for the Transmission of the Christian Faith: Challenges and implications for the Mission of the Church," ang ika-60 general assembly. Layuning mapalalim ang pang-unawa sa panawagang magkaroon ng bagong ebanghelisasyon at mga kaakibat na hamon sa kanilang gawain bilang mission directors.
Itinataguyod ng Pontifical Mission Society ang pagtitipon na magkakaroon ng workshops, open forum, plenaryo, group sharing at mga pananalita mula sa mga panauhing inanyayahan.
Kabilang sa mga panauhin magsasalita ay sina Bishop Edwin dela Pena ng Marawi, Fr. Francis Gustilo, SDB at Sorsogon Bishop Arturo Bastes, SVD sa pagpupulong. Si Fr. Dennis Mesiona ang executive director ng PMS sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |