|
||||||||
|
||
CRI_june21.m4a
|
Pag-uusap ng Pamahalaan at MILF, matutuloy na
PUNONG NEGOSYADOR NG PILIPINAS SA MILF UMAASANG TULOY NA ANG PAG-UUSAP. Naniniwala si Prof. Miriam Coronel-Ferrer (nasa larawan) na matutuloy ang pag-uusap ng Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front sa susunod na buwan. Ito ang napagkasunduan sa kanilang informal talks sa Oslo, Norway sa isang international event. (File Photos ni Melo Acuna)
MADALI ng matuloy ang pag-uusap ng Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front sa darating na Hulyo.
Ayon kay Professor Miriam Coronel-Ferrer, pinuno ng Government of the Philippines panel, nagkasundo na ang dalawang pinuno ng na ituloy ang pag-uusap upang matalakay ang annexes sa wealth sharing, power sharing at normalization. Naging informal ang pag-uusap nina Professor Ferrer at MILF chief negotiator Mohagher Iqbal sa Oslo, Norway ayon sa pahayag ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process.
Kasama ni Coronel-Ferrer si Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Quintos-Deles sa Oslo Forum 2013 na binuo ng Norwegian Ministry of Foreign Affairs at the Centre for Humanitarian Dialoague noong Martes at Mieyrkoles. Naroon din sina Malaysian Third-Party Facilitator Tengku Datu Abdul Ghafar Tehngku bin Mohammed, MILF Peace Panel member Maulana Alonto at MILF consultant Raissa Jajurie.
Ito ang pagkakataon upang ang senior third-party conflict mediators at iba pang peace process actors na mgbahagi ng kani-kanilang karanasan at kilalanin ang mga hamon at iparating ang kanilang mga sariling paraan sa peace process practices.
Ayon kay Professor Ferrer, ibinigay din niya kay G. Iqbal ang mga panukala ng Pilipinas sa wealth sharing annex upang pag-aralan at kilalanin ng MILF.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |