|
||||||||
|
||
Arsobispo, nanawagan sa mananampalataya na mangumpisal
MANGUMPISAL KAYO. Nanawagan si Arsobispo Socrates B. Villegas sa mga Katoliko na gamitin ang Sakramento ng Pakikipagkasundo upang higit na malapit sa Panginoong Diyos. Ito ang kanyang mensahe sa ika-walong anibersaryo ng pagyao ni Manila Archbishop Jaime Lachica Cardinal Sin kanina sa kripto sa ilalim ng Manila Cathedral. (Kuha ni Roy Lagarde)
NANAWAGAN si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas sa mga mananampalataya na pahalagahan ang sakramento ng pangungumpisal. Ito ang isang paraan upang higit na magkaroon ng mas malapit na relasyon sa Diyos.
Idinagdag pa niya na hindi kailanman magkakaroon ng new evangelization kung walang hihingi ng tawad sa Panginoon.
Ang pinakasusi sa buhay ispirituwal sa bagong ebangehilisasyon ay kung paano siya mangumpisal, dagdag pa ng arsobispo. Siya rin ang chairman ng Office for the Promotion of New Evangelization.
Ang unang hakbang upang makilala ang Diyos ay ang pagkilala sa Kanya bilang Panginoon at lahat ng tao'y makasalanan at nangangailangan ng Kanyang habag.
Ginawa ng arsobispo ang pahayag sa kanyang sermon sa Misang gumunita sa ika-walong anibersaryo ng kamatayan ni Manila Archbishop Jaime Lachica Cardinal Sin. Idinaos ang Misa sa kanyang libing sa kripto ng Manila Cathedral.
Kilala si Arsobispo Villegas bilang isang protégé at confidante ng yumaong cardinal.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |