|
||||||||
|
||
Productivity, malaking isyu sa paggawa
ECOP PRESIDENT EDGARDO B. LACSON: HUWAG KALIMUTAN ANG MGA UNDEREMPLOYED AT MGA WALANG HANAPBUHAY. Ito ang mensahe ni Ginoong Lacson sa pamahalaan at mga manggagawa sapagkat nakatuon ang pansin sa dagdag na minimum wage. Wala umanong kahulugan ang wage increase sa may 11 milyong Pilipinong walang trabaho at mga underemployed. (Kuha ni Melo Acuna)
INILUNSAD ng Kagawaran ng Paggawa at Hanapbuhay dalawang taon na ang nakalilipas sa Region IV-A o CALABARZON ang dalawang antas ng pagtataas ng sahod ng mga manggagawa.
Ayon kay G. Edgardo B. Lacson, Pangulo ng Employers Confederation of the Philippines, nagkasundo ang mga manggagawa at mga employer sa paraan ng pagsukat ng productivity ng mga manggagawa. Nagkasundo ang magkabilang panig sa paraan ng pagbibigay ng pinakamataas na umento sa pinaka-productive na manggagawa.
Sa pagtataas ng minimum wage, nalilimutan na umano ang 11 milyong under-employed at mga walang hanapbuhay na siyang naglalarawan ng kahirapan. Walang halaga sa kanila ang anumang increase sa minimum wage sapagkat wala silang hanapbuhay. Wala umanong kumakatawan sa mga walang hanapbuhay.
Hindi nararamdaman ng karamihan ang kaunlaran sa ekonomiya ng 7.8% sapagkat hot money ito. Financial services lamang ang nakikinabang sa pagtaas ng GDP. Madaling pumapasok ang salapi subalit madali rin itong nawawala.
Nais ni G. Lacson na marinig kay Pangulong Aquino sa kanyang State of the Nation Address sa darating na ika-22 ng Hulyo ang mga stratehiya upang magkaroon ng dagdag na hanapbuhay at kung paano nakakasama ang balana sa tinatawag na inclusive growth.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |