|
||||||||
|
||
Mambabatas, suportado si Speaker Belmonte sa charter change
NANINIWALA si Congresswoman Thelma Almario ng Second District, Davao Oriental na magkaroon ng pagbabago sa Saligang Batas upang maluwagan ang mahihigpit na probisyong nagbabawal ng pagpasok ng mga banyaga sa larangan ng kalakal.
Ayon kay Congresswoman Almario, kailangan ang pagbabago ng Saligang Batas upang masusugan ang economic provisions nito na matagal nang kailangan. Napapanahon na upang kumilos ang pamahalaan sapagkat naiiwanan na ang Pilipinas ng mga kalapit-bansa sa pagkakaroon ng tunay at malakihang investments.
Noong nakalipas na buwan, binanggit ni Speaker Belmonte na umaasa siyang makakapasa ang charter change sa Mababang Kapulungan sapagkat napapanahong talakayin ang mga pagbabawal sa pag-aari ng lupain ng mga banyaga, mga utilities, media at iba pang services na mahalaga sa mga mamamayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |