|
||||||||
|
||
melo/20130625.m4a
|
NAGKITA sina Foreign Affairs Assistant Secretary for Consular Affairs Jaime Victor B. Ledda at Director General Huang Ping ng Consular Department ng Ministry of Foreign Affairs ng People's Republic of China sa 5th Philippines-China Consular Consultations sa Beijing kamakailan.
Sa isang naantalang balita ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, nakasama umano sa pulong si Foreign Affairs Assistant Secretary of Asia and Pacific Affairs Ma. Theresa P. Lazaro at Deputy Chief of Mission Antonio Morales ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing.
Pinag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa relasyon ng dalawang bansa tulad ng proteksyon sa karapatan at interes ng mga mamamayan, kalagayan ng mga Tsino at mga Pilipino sa kanilang mga host country at mga bagay na may kinalaman sa consular notification. Nag-usap din sila sa visay policy issues, pagpapatakbo ng mga consular missions at mga pananaw sa best practices sa consular matters na magpapasigla sa relasyon ng Pilipinas at Tsina.
Lumagda ang magkabilang panig sa Instruments of Ratification of the Philippines-China Consular Agreement sa pag-itan nina Assistant Secretary Jaime Victor B. Ledda at Director General Huang Ping. Ang Philippines-China Consular agreement ang unang consular agreement mulang sumang-ayon ang Pilipinas sa Vienna Convention on Consular Relations noong 1963.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |