|
||||||||
|
||
NAGPASALAMAT ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa naging desisyon ng Court of Appeals na payagan silang ipatupag ang mga kautusan mag-aalis ng mga Utility Vehicles na higit na sa 13 taong gulang.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, nagpapasalamat ang kanyang ahensya sa hukuman sa pagsuporta sa kanilang balak na magkaroon ng mga bagong sasakyan sa mga lansangan. Itinakda ng hukuman ang nararapat na edad ng mga sasakyang sasakyan ng publiko.
Magugunitang sinabi ng hukuman na wala sa kanilang poder ang control o pagpapatupad ng gawain ng LTFRB. Hindi lamang ito gawaing administratibo kungdi paggawa ng quasi-judicial functions nito.
Isa umano ito sa mga kautusan ni Pangulong Aquino at ni Kalihim Joseph Emilio Aguinaldo Abaya na magkaroon ng isang makabagong transport system na makakatapat ng ibang mga bansa sa rehiyon.
Ang Pilipinas ang namumukod-tanging bansa sa rehiyon na may pinakamatandang mga sasakyang nagyayaot. Magugunitang naglabas ang LTFRB ng Memorandum Circular, itinadhanang ang mga may sasakyang 13 taong gulang pataas ang nararapat ng igarahe.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |