|
||||||||
|
||
ANG pagbabago sa klima ay hindi lamang isyu ng kalikasan bagkos ay ikinababahala rin ng mga taong responsable sa pagsusulong ng kaunlaran. Ito ang pahayag ni Kalihim Arsenio Balisacan sa talakayang pinamagatang Philippines Climate Expenditure and Institutional Review.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni G. Balisacan na ang pagbabago sa klima ang siyang nagpapalala sa kalagayan ng Pilipinas at nagpapabalam o nagpapabagal sa layunin ng bansang matamo ang mga ipinangakong kaunlaran sa pandaigdigang antas at maging pambansanggoals na nakatuon sa kahirapan, pagkagutom, kalusugan, edukasyon at kapaligiran. Maliwanag umano ang targets ng Pilipinas sa Millennium Development Goals tulad ng pagkagutom, kahirapan, kalusugan, edukasyon at kapaligiran. Nakatuon din ang pansin sa pagkakaroon ng development goals.
Idinagdag pa ni Kalihim Balisacan na matinding dagok ang tumama sa Pilipinas dala ng super typhoons. Nagdulot ito ng trahedya sa Quezon Province noong 2004, sa Metro Manila noong 2009, Cagayan de Oro City at Iligan Cities noong 2011. Noong 2012, tumama rin ang hapugit ng Pablo sa Davao Oriental at Compostela Valley.
Noong 2012, ayon sa National Statistics Coordination Board, umabot sa P90 bilyon ang pinsalang idinulot ng mga bagyo sa mga ari-arian. May 27% ang pinsala sa pagsasaka, 67% sa pagawaing-bayan at 6% sa pribado at commercial establishments. May 1,000 katao rin ang nabalitang nasawi sa bagyo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |