|
||||||||
|
||
SINABI si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na marami pang gagawin ang Kagawaran ng Kalusugan. Sa kanyang talumpati sa ika-115 anibersaryo ng Kagawaran, sinabi niya na ang tagumpay ng Pilipinas ay masusukat sa kakahayan nitong paglingkuran ang mahihirap. Binanggit niya ang mga paaralang naipatayo sa mga malalayong pook, mga makabagong pagamutan sa mga lalawigan ay patunay na naglilingkod ang pamahalaan.
Hindi magkakaroon ng malusog na ekonomiya kung walang malusog na mamamayan. Nagmula sa budget na P 28.68 bilyon noong 2010, narating na nito ang P 51.07 bilyon ngayong 2013. Naitaas na rin ang budget ng may 78% sa pamamagitan ng sin tax. Tumaas na rin umano ang mga nasaklaw ng Philippine Health insurance.
Nakapagpatayo na rin umano sila sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program ang may 4,518 hospitals at rural health units, barangay health stations at mayroon ding sumailalim ng rehabilitasyon.
Target din ng kanyang pamahalaan ang may 7,325 na ospital, klinika na masasaklaw ng upgrading. Ang lahat ng ito ay bahagi ng paglilingkod ng kanyang pamahalaan sa mga mamamayan, dagdag pa ni Pangulong Aquino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |