![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
melo
|
MAHALAGA ang papel ng Agham at Teknolohiya sa industriya, partikular sa mga pabrika sapagkat napapayabong nito ang mga nagagawa sa bansa. Ito umano ang dahilan kaya't maganda ang takbo ng ekonomiya.
Binigyang pansin ni Kalihim Arsenio Balisacan, ang Socio-Economic Planning Secretary at National Economic Development Authority director general na kitang-kita sa 7.8% growth noong unang tatlong buwan na mas malaki sa 6.8% growth noong 2012. Nangunguna na rin ang industriya sa larangan ng economic expansion.
Lumago ang industriya ng 10.9% sa pamamagitan ng manufacturing na nagkaroon ng 9.7% kahit pa bumaba ng 8.4% ang exports ng bansa.
Sa kanyang talumpati sa 35th Annual Scientific Meeting ng National Academy of Science and Technology, sinabi ni G. Balisacan na ang 62% ng domestic output ang nasa tatlong rehiyon ng Luzon, ang Metro Manila, Calabarzon at Gitnang Luzon, at nangangailangang makarating ito sa iba't ibang bahagi ng Kabiyasaan at Mindanao.
Mataas pa rin ang bilang ng mahihirap at ayon sa official poverty lines, ang proportion ng populasyon na mahihirap ay naglaro sa 28.8 noong 2006 at nakarating sa 27.9 noong 2012.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |