![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Walang pari at obispo sa Malolos na nakikinabang sa Pamahalaan ng Bulacan
ITINANGGI ni Malolos Bishop Jose F. Oliveros ang balitang lumabas na napakaraming mga kawani ng pamahalaang panglalawigan ng Bulacan. Ayon sa report, kahit umano mga obispo at pari ng iba't ibang simbahan ang sumasahod ng mula sa P 9,000 hanggang P 22,000 bawat buwan.
Mula sa Roma, Italya, sinabi ni Bishop Oliveros na walang sinuman sa kaparian at maging ang kaisa-isang obispo ang nakikinabang sa pagiging consultants ng lalawigan.
Nag-ulat na rin ang Vicar General at Chancellor ng Malolos na kapwa nagsabing walang sinuman sa Diocese of Malolos ang kawani ng pamahalaang panglalawigan.
Ani Bishop Oliveros, mayroong nagpanggap na obispo sa nakalipas na State of the Nation Address ni Pangulong Aquino sa pinagsanib na sesyon ng congreso sa House of Representatives.
Inilabas ng pahayagang Philippine Star ang balita.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |