![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Banatan sa politika nagsimula na
NANINIWALA si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na tila nagsisimula na ang paninira sa kanya kahit napakalayo pa ng 2016 national elections.
Ani G. Binay, may mga nagsasabi sa kanya na tila sinimulan na siyang siraan na lubhang napakaaga pa sapagkat wala pa sa campaign season. Naghuhukay umano ng mga sinaunang usapin laban sa kanya ang mga nagbabalak magsimulang character assassination sa pamamagitan ng paggamit sa social media.
Idinagdag pa niya na recycled ang mga isyung ginagamit na paninira sa kanya. Ikinalungkot din niya ang paglalagay ng negative spin sa mga palatuntunan ng pamahalaan tulad ng pagtatangkang mailigtas ang buhay ng isang drug mule na nasa death row.
Sa pangyayaring iyon, sinabi niya na siya mismo ang pinuna kahit pa liham ni Pangulong Aquino ang kanyang dadalhin sa paglalakbay patungo sa Tsina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |