|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Hepe ng Pulisya sa Metro Manila, kailangang mawala ang mga illegal na sandata
MASIGASIG na ipinatutupad ng National Capital Region Police Office ang kampanya laban sa illegal na sandata. Ayon kay NCRPO Director Leonardo A. Espina, kumakatok sila sa mga tahanan ng mga may baril na hindi pa nakakapag-renew ng kanilang mga lisensya.
Layunin ng kampanyang ito na mawala ng tuluyan ang mga baril na walang kaukulang lisensya. Ito ang unang araw ng kampanya sa ilalim ng OPLAN Katok. Narating na ng Oplan Bakal ang may 62 % ng mga mamamayan na naging dahilan upang masamsam ang may 95 mga sandata.
Mula Oktubre hanggang Hunyo ng taong 2013, ay nakasamsam na rin sila ng 413 sandata, 24 na pampasabog, at na nakamamatay na sandata sa kanilang Oplan Sita at Oplan Bakal sa kanilang mga checkpoint na nakakalat araw at gabi.
Sinabi ni Director Espina na sa pagtutulungan ng pulisya at mga mamamayan, nagtatagumpay ang kanilang mga palatuntunan na magpapanatili sa kapayapaan at katahimikan sa Kalakhang Maynila.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |