![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
European Union at ILO, nagsusulong ng makataong hanapbuhay para sa Pinoy healthworkers
SA likod ng libu-libong health professionals na nangingibang-bansa taun-taon, nagkasundo ang European Union at International Labour Organization na mapabuti ang management ng pagdaloy ng mga propesyunal sa larangan ng health care.
Sa pagkakaroon ng grant na Euro 2 milyon o $ 3 US mula sa European Union, mayroong pilot project na nagsusulong ng makataong hanapbuhay sa mga narses at manggagamot at iba pang healthcare professionals at skilled workers mula sa India, Pilipinas at Vietnam.
Pinamagatan ang proyekto bilang "Decent Work Across Borders," nagkasama-sama ang mga pamahalaan, mga manggagawa, mga samahang propesyunal at recruitment agencies upang magkaroon ng pinag-isang iskema na magsusulong ng ligtas at ethical migration ng mga dalubhasa sa kalusugan.
Napakalaking bahagi na ng health professionals at sector sa European Union. Noon pang 2009, ang average health and care sector ay umabot na sa 10% ng buong mga mangagawa sa buong OECD.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |