|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pagkakabilanggo ng sampung taon sa paggamit ng damit ng pulis at militar, hiniling
HINDI magtatagal ay mabibilanggo ng sampung taon ang mga taong hindi autorisadong magsuot ng uniporme ng mga pulis at kawal sa pagsusog sa Republic Act 493 na nagpapataw ng regulasyon sa paggawa ng uniporme ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Pambansang Pulisya.
Sa panukala ni Congressman Raul del Mar ng 1st District ng Cebu, ang mga mapapatunayang lalabag sa batas ay makukulong ng hanggang sampung taon at pagmumultahin ng P 20,000.
Mabibilanggo din ng limang taon at pagmumultahin ng P10,000.00 ang 'di autorisadong pagbebenta ng military at police uniforms sa mga sibilyan at sa paggawa ng tela na ginagamit sa pagtatahi ng mga uniporme.
Ang walang pakundangang paggamit ng mga uniporme ng militar at pulisya ang nagiging dahilan ng mga karumaldumal ng krimen. Malaki rin umano ang kinikita ng mga nagbibili ng mga ito sa mga tindahang malalapit sa mga kampo ng militar at pulisya.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |