|
||||||||
|
||
Tatlumpung OFW mula sa Syria, umuwi na
DUMAAN sa Lebanon ang may 30 mga manggagawang mula sa Syria upang makarating sa Pilipinas. Ayon sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, naglakbay ang mga repatriates patungo sa hangganan ng Syria at Lebanon at tinulungan ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas.
Dumating sila sa Masna'a border kahapon ng ika-11 ng umaga at pansamantalang nanirahan sa Embahada ng Pilipinas sa Beirut samantalang naghihintay ng kanilang biyahe patungong Abu Dhabi.
Ayon sa kanilang schedule, maghahating-gabi kagabi sakay ng Etihad Airways Flight EY 424 ang mga manggagawa. Sa paguwi ng 30 manggagawa kagabi, umabot na sa 4,427 ang Pilipinong naka-alis sa magulong bansa ng Syria.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |