|
||||||||
|
||
Labing-limang diyosesis isasailalim sa paghahanda
Sinabi ni Fr. Edu Gariguez na magsasanay ang mga kawani ng Social Action Centers ng 15 diyosesis sa buong bansa upang madaliang makatugon sa pangangailangan ng mga masasalanta ng kalamidad. Sa panayam sa CBCP Online Radio, sinabi ni Fr. Gariguez na magaganap ito sa pagtutulungan ng Catholic Relief Services at CBCP-National Secretariat for Social Action, Justice and Peace. (Larawan ni Melo Acuna)
MAGTUTULUNGAN ang Catholic Relief Services at National Secretariat for Social Action, Justice and Peace sa mga pagsasanay ng mga alagad ng Simbahang Katolika upang makatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan sa buong bansa.
Sa panayam sa CBCP Online Radio, sinabi ni Fr. Edu Gariguez, executive secretary ng NASSA, na unti-unting nababago ang kapatagan ng bansa dahilan na rin sa climate change at ang mga dating hindi binabagyo ay napipinsala na rin ngayon.
Sinabi ni Fr. Edu na kailangang maging pro-active ang mga mamamayan at ang Simbahan. Labing limang diyosesis ang isasama sa pagsasanay sa loob ng tatlong taong pagtutulungan ng dalawang ahensya ng Simbahan.
Sa larangan ng ekonomiya, ikinatuwa ni Fr. Edu ang pag-angat ng ekonomiya ayon sa indicators na ginagamit ng pamahalaan. Niliwanag niyang hindi lang sa datos nararapat matuon ang pansin bagkos ay bigyang halaga ang epekto nito sa mga mahihirap. May posibilidad na lalong lumayo ang agwat ng mahihirap sa mayayaman.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |