Tatlong bahagi ng lansangan sa Benguet, sarado pa rin
TATLONG lansangan sa Cordillera Region ang nananatiling sarado pa rin matapos mapinsala ng mga bagyong dumaan sa bansa kamakailan. Ang mga lansangang ito'y na sa Benguet-Nueva Vizcaya road at ang Acop-Kapangan-Bakun road sa Benguet.
Ayon sa Department of Public Works and Highways, ginagawa pa rin ng DPWH-Cordillera ang mga lansangan dahilan sa mga pagguho ng lupa mula sa kabundukan sa Gueseet Section, sa Shilan-Beckel Road ng Benguet-Nueva Vizcaya at Taba-oa Section sa Kapangan, Benguet ng Acop-Kabayan-Kibungan-Bakun Road sa Kapangan, Benguet.
Napinsala ang mga lansangan dahilan sa mga natumbang kahoy at iba pang mga hadlang. Nakalagay na rin ang mga traffic signs upang balaan ang mga naglalakbay.
1 2 3 4