Mga embahada ng Pilipinas sa Damascus at Beirut at IOM, nagtutulungan pa rin, mga manggagawa
ANG Embahada ng Pilipinas sa Damascus at Beirut at ang International Organization for Migration at patuloy sa pagtutulungan upang makauwi ang 43 mga Pilipinong manggagawa mula sa Damascus. Nakatawid na ang mga manggagawa sa hangganan ng Syria at Lebanon kahapon.
Sinalubong sila ng mga kawani ng Embahada ng Pilipinas sa Beirut at lilipad na pauwi ng Pilipinas ngayon. Nakatakda silang lumapag sa NAIA Terminal 1 ganap na 11:00 ng gabi ngayong Martes sakay ng Qatar Airways flight QR 644.
Makakarating na sa (bilang na) 4,553 ang mga Pilipinong nakauwi sa bansa mula sa Syria. Sinagot na International Organization for Migration ang kanilang pamasaheng pauwi ng Pilipinas.
1 2 3 4