|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Hindi makatao ang pagpapatapon sa mga Pinoy mula sa Japan
NAGSAMA-SAMA ang mga pandaigdigang Catholic migrant groups sa mga pananalakay at maramihang pagpapatapon ng mga undocumented Filipinos sa Japan na sumailalim sa 'di makataong karanasan.
Ang Catholic Commission of Japan Migrants, Refugees and People on the Move at ang Solidarity Network with Migrants Japan ang nagsabing ang mga ipinatapon kamakailan ay hindi nabigyan ng makataong tulong.
Sa kanilang pahayag kanina sa isang press conference sa Catholic Bishops Conference of the Philippines' conference room, sinabi ng grupo na kanilang kinukondena ang pinakahuling pagpapatapon ng 75 mga Filipino sapagkat nalabag ang kanilang mga karapatang pangtao at hindi na rin kinilala ang kanilang kalagayan.
Kinapanayam ng grupo ang mga ipinatapon mula noong ika-20 hanggang ika-26 ng Agosto upang suriin ang kanilang deportation process and reintegration sa lipunang Pilipino.
Nabatid ng mga nagsuri na nalabag ang mga karapatang pangtao ng mga Filipino samantalang sila'y detenido. Wala ring anumang natanggap na tulong mula sa pamahalaan ng Pilipinas.
Kailangan umano ng salapi ng mga ipinatapon pabalik sa Pilipinas upang makapagsimulang muli ng kanilang buhay, dagdag pa ng grupo.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |