|
||||||||
|
||
Chief Justice Sereno, humiling ng dagdag na budget para sa mga hukuman
HINILING ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamahalaan na dagdagan ang salaping nakalaan sa Hudikatura upang maayos ang mga sirang hukuman.
Humarap sa isang press briefing sa De La Salle University si Chief Justice Sereno at nagtanong kung paano paniniwalaan ng madla ang hudikatura kung ang mga hukuman ay sira at makikita ang mga hukom na naglilingkod sa kaaba-abang kalagayan.
Marami namang salapi ang pamahalaan kaya't makatutugon sa pangangailangan ng hukuman, dagdag pa ni Chief Justice Sereno. Unang lumabas sa mga balita na 0.8% lamang ng pambansang budget noong 2012 ang nakarating sa hudikatura.
Mangilan-ngilan lamang sa mga hukuman ang pag-aari ng Hudikatura, dagdag pa ni Chief Justice Sereno.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |