|
||||||||
|
||
Mga manggagawa nababahala sa pagtaas ng bilang ng kalalakihang nakikipagtalik sa kapwa lalaki
NANAWAGAN ang Trade Union Congress of the Philippines sa mga punongbayan at punong lungsod na bigyan ng prayoridad ang pagtugon sa nakagugulat na bilang ng HIV-AIDS incidence sa buong bansa, partikular ang kalalakihang nakikipagtalik sa kapwa lalaki.
Ani Gerard Seno, executive vice president ng Associated Labor Unions na kaalyado ng Trade Union Congress of the Philippines, na kailangang gastusan ng mga punonglungsod at punongbayan at makapagpasa ng mga ordinansa upang matulungan ang mga mayroon nang HIV virus.
Sa pagsusuri ng Philippine National Aids Council ng Kagawaran ng Kalusugan, isang Filipino ang nagkakaroon ng AIDS sa bawat dalawang oras o nagkakaroon ng walong bagong kaso sa bawat sampung araw dahilan sa pagdami ng mga kalalakihang nakikipagtalik sa kapwa lalaki. Karamihan umano sa mga biktima ay may edad na 15 hanggang 34 na taong gulang.
Idinagdag pa ni G. Seno na kung magpapatuloy ang ganitong pag-uugali, malalampasan ang bilang na 3,338 kasong naitala noong nakalipas na taon.
Noong nakalipas na Hunyo ng 2013, mayroong 431 bagong kaso ng HIV Ab sero-positive ang nadiskubre ng STD/AIDS Cooperative Central Laboratory. Mas mataas ito ng 46% kung ihahambing sa datos noong Hunyo 2012 na nagkaroon lamang ng 295 na kaso.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |