|
||||||||
|
||
Obispo ng Balanga, bumati sa mga nasa likod ng malawakang pagtitipon
BINATI ni Balanga Bishop Ruperto C. Santos ang lahat ng lumahok sa pagtitipon noong nakaraang Lunes sa Rizal Park. Sa isang mensahe, pinuri niya ang mapayapang pagtitipon, pagtugon sa panawagang panatiliing malinis ang pook at magalang sa bawat isa.
Nakatutuwa umanong walang anumang sakunang naganap, walang sinumang nasugatan at walang batas na nalabag. Nagpapakita lamang ito ng kakayahan ng mga Pilipinong iparating ang kanilang paninidigan sa payapang paraan.
Ani Bishop Santos maliwanag ang mensahe ng mga dumalo at ito ay ang pagkondena sa kasamaang idinudulot ng pork barrel. Nanawagan siyang magkaroon ng transparency sa gawi ng mga politiko. Nararapat ding patunayan ng mga politiko na karapatdapat pa silang pagtiwalaan ng mga mamamayan.
Sa kanilang pook sa Balanga, sa lalawigan ng Bataan, patuloy silang magmamartsa hanggang sa mabura at mabuwag ang pork barrel.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |