|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Magkaibang pananaw hinggil sa 7.5% growth sa ikalawang kwarter ng 2013
ISANG kilalang ekonomista at isang banyagang nagmamasid sa nagaganap sa Pilipinas ang nagpahayag ng kanilang magkaibang pananaw sa ibinalita ng pamahalaang 7.5% growth sa Gross Domestic Product sa ikalawang tatlong buwan ng 2013.
Ayon kay Professor Nicanor Perlas, hindi maituturing na eksaktong panukat ang Gross Domestic Product at Gross National Product sa bawat kaunlaran ng bansa. Sa Pilipinas, dagdag ni Professor Perlas, nangangahulugan lamang ito na ang mayaman ay higit na yumaman samantalang ang mahirap ay mananatiling mahirap pa rin.
Subalit ayon kay John Forbes, ang senior adviser ng American Chamber of Commerce in the Philippines (AmCham), magandang balita ang 2nd Quarter GDP growth.
Ani G. Forbes, maganda ito sapagkat nalampasan ng Pilipinas ang mga kalapit-bansa sa ASEAN at nakapantay ang growth rate ng Tsina kahit pa maraming suliraning kinakaharap. Maaaring mapatatag ng Pilipinas ang kaunlarang ito at mapalago pa. Kung maipagpapatuloy lamang ng bansa ang pagpapahusay ng pamamalakad sa pamahalaan at mapapabilis ang pagsasa-ayos ng mga pagawaing-bayan, nakatitiyak na magkakaroon ng higit na kaunlaran sa pamamagitan ng kalakalan, dagdag pa ni G. Forbes.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |