|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Cardinal Tagle: Mahalaga ang Kalikasan, ang Kapaligiran
MAHALAGA ang kalikasan at kapaligiran. Ito ang buod ng kanyang mensahe sa isang Misa na idinaos sa paglulunsad ng "Season of Creation" sa San Fernando de Dilao Parish noong Sabado, huling araw ng Agosto.
Ayon kay Arsobispo Luis Antonio G. Cardinal Tagle, kailangang maging aktibo ang mga mamamayansa pagtatanggol at pagpapanatili ng kapaligiran upang pakinabangan ng mga susunod na saling-lahi.
Kailangang pahalagahan ng mga mamamayan ang kanilang papel bilang taga-pangalaga ng mga likha ng Diyos. Ang "Season of Creation" ay isang ecological campaign na lalahukan ng iba't ibang parokya at paaralan sa buong arkediyosesis. Magbibigay halaga ito sa kapaligiran sa pamamagitan ng liturgical, catechetical at religious initiatives. Sinimulan ito kahapaon at magtatapos sa ika-anim ng Oktubre.
May mga palatuntunan para sa multi-media, living Rosary, environmental symposia, film showing, organic market at tree-planting activities.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |