Sa dagdag na salapi para sa 4Ps, mananatili ang mga mag-aaral sa paaralan
MULA sa P 44 na bilyong budget para sa taong 2013, daragdagan ito at makakarating sa P 62.6 bilyon sa 2014 bilang suporta sa pagtatangka ng pamahalaang mapalawak ang 4Ps program at mababaan ang dropout rate sa mga mahihirap na nasa high school.
Ani Kalihim Florencio Abad ng Department of Budget and Management, naglaaan ang DSWD ng cash subsidies sa pinakamahihirap na pamilya sa bansa sa kasunduang gagamitin nila ang maternal and child health care services at pananatiliin ang kanilang mga anak sa mga paaralan. Kahit pa mataas na ang enrollment sa mababang paaralan, mataas pa rin ang dropout rate sa high schools, dagdag pa ng kalihim.
Sa panukalang budget para sa 2014, P 48.3 bilyon ang susuprota sa regular na CCT program para 4.3 milyong pinakamahihirap na pamilya sa bansa na tumatanggap ng P 1,400 sa bawat pamilya. Kabilang dito ang may P 500 subsidsyo para sa mga magulang at mga bata na magkaroon ng healthcare services at P 300 sa bawat bata na edad anim hanggang 14 sa pagdalo sa may 85% ng kanilang mga klase. Ang regular na CCT program ay makasusuporta hanggang tatlong bata sa bawat tahanan.
1 2 3 4 5 6