Higit na sa 100 katao ang nasawi sa banggaan ng mga barko
INIULAT ng Tanod Baybayin ng Pilipinas (Philippine Coast Guard) na umabot na sa 108 katao ang nasawi samantalang 29 ang nawawala sa sakunang kinatampukan ng mga barkong M/V St. Thomas ng 2Go at M/V Sulpicio Siete sa Cordova, Cebu noong ika-16 ng Agosto.
Nailigtas naman ng mga tumugon sa ehermensya ang may 733 katao. Naging dahilan ang paglubog ng M/V St. Thomas ng oil spill na ikinapinsala ng batuhan, mangroves at lamang dagat na pinagkakakitaan ng mga residente sa Cordova, Cebu.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente ng Special Board of Marine Inquiry sa naganap na trahedya.
1 2 3 4 5 6