|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Maraming hamong hinaharap ang Pilipinas sa isyu ng kaunlaran
KAILANGANG magkaroon ng mas marami at mas mabuting hanapbuhay kung nais na madali ang kaunlarang pangkalahatan. Ayon sa ulat na pinamagatang The Philippine Development Report ng World Bank, mas maraming magagawa sa pagpapalalim ng reporma upang magkaroon ng tunay na kaunlaran.
Magaganap lamang ito sa pagkakaroon ng pagsasama-sama ng mga mamamayan upang isulong ang magandang pamamalakad sa pamahalaan, higit na uunlad ang bansa at magkakaroon ng mas magaganda at mas mabubuting hanapbuhay.
May sampung milyong Pilipino na kinabibilangan ng tatlong milyong walang hanapbuhay at pitong milyong Pilipino ang underemployed noong 2012. Magkakaroon pa ng 1.15 milyong Pilipino na papasok sa labor force sa bawat taon sa susunod na apat na taon. Kailangang magkaroon ng 14.6 milyong hanapbuhay ayon sa ulat.
Ang nalalabing 650,000 naghahanap ng trabaho ay walang college degrees at karamihan ay nasa informal sector sa kanayunan at mga lungsod. Mababa na ang kanilang sahod, mababa pa ang productivity.
Kung higit na tataas ang growth rate, mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng mas magandang hanapbuhay at sa pagkakaroon ng 7% growth rate at pag-aalis ng hadlang sa fast-growing sectors, pagtugon sa kakulangan ng may kakayahang manggagawa sa BPO industry, ang siyang magdudulot ng kaunlaran mula sa 20 hanggang 30%. Tinatayang magkakaroon ng magandang hanapbuhay para sa dalawang milyong katao sa susunod na apat na taon.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |