|
||||||||
|
||
Maikling kasaysayan
Ang "Wing Chun," (may literal na kahulugang "walang-hanggang tagsibol") ay nagsimulang makilala sa panahon, pagkatapos lansagin ng Dinastiyang Qing ang Katimugang Templo ng Shaolin.
Ayon sa alamat, may isang magandang binibining nagngangalang Yim Wing-Chun ang inalok ng kasal ng isang lokal na warlord, ngunit tinaggihan ito ng binibini. Sinabi niya sa warlord na ikakasal lamang sila kung matatalo siya nito sa isang duwelo.
Sa kabutihang palad, nakilala ni Yim Wing-Chun ang Buddhist nun na si Ng Mui, isa sa mga nakaligtas mula sa Templo ng Shaolin. Itinuro ni Ng Mui kay Yim Wing-Chun ang isang bagong sistema ng pakikipaglaban mula sa galaw ng Ahas at Crane. Ito ang ginamit ng dalaga upang talunin ang warlord.
Nagpakasal si Yim Wing-Chun kay Leung Bac-Chou at itinuro niya ang martial art sa kanyang asawa. Nang maglaon, pinangalanang Wing Chun ang martial art na ito, mula sa pangalan ni Yim Wing-Chun.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |